Categories: Viral

FoodPanda Rider naging isang social media star dahil sa mga laruang Panda na suot suot niya sa trabaho!

Kamakailan lamang ay kinabiliban at hinangaan ng maraming mga netizens ang isang FoodPanda rider na ito dahil sa mga “Panda plushies” o mga stuffed toy na suot suot nito sa kaniyang trabaho. Naging instant social media star nga ito dahil sa maraming mga tao ang nagnanais na makilala siya at magkaroon ng pagkakataong magpakuha ng larawan kasama siya.

Tinugurian siyang “Panda Guy” ng mga netizens. Hindi nagtagal at nakilala na rin ang naturang “Panda Guy” bilang si Akhmal Abdul Rashid na nakatira sa Muar, Malaysia.

Sa ngayon ay gamit niya ang alyas na “Encik Panda” sa kaniyang mga social media accounts. Ayon sa ilan pang mga ulat, ang masayahin na taong ito ay nagsimulang magtrabaho sa FoodPanda siyam na buwan na ang nakalilipas.

Ngunit dalawang mga buwan pa ang lumipas matapos niyang magsuot ng mga palamuting Panda sa kaniyang uniporme. Marami sa kaniyang mga suki ang nakapansin sa kaniyang hitsura at marami sa kanila ang nagsabi sa kaniyang maaari siyang gumawa ng sarili niyang pagkakakilanlan.

Hindi nagtagal ay nakilala na nga sa social media ang kaniyang katauhan bilang si “Encik Panda”. Bagamat hindi siya madalas makapagbahagi ng kaniyang mga litrato sa kaniyang mga social media page dahil na rin sa abala siya sa kaniyang trabaho ay patuloy pa rin naman ang pagsuporta sa kaniya ng kaniyang mga tagahanga.


Ilan pa nga sa kanila ang walang sawang nagta-tag sa kaniya sa ilang mga larawang kuha mismo ng kaniyang mga kostumer. Dahil na rin sa napakahirap na sitwasyong kinakaharap ng marami sa atin ngayon, nakakatuwa pa ring malaman na kahit papaano ay mayroon pa ring mga taong nagnanais na makapagdulot ng ngiti sa iba kahit sa simpleng pamamaraan lamang nila.

Maaaring mayroon ding iilang mga netizens ang nag-aalala sa maaaring maging kontaminasyon ng mga stuffed toys na Pandang dala-dala niya sa trabaho lalo na kung hindi ito nabibigyan ng wastong paglilinis at disinpektasyon ngunit sinisigurado pa rin naman niyang nalilinisan at napapaliguan niya ng wasto ang mga laruang ito bago siya pumasok sa trabaho.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago