Gabbi Garcia, ipinasilip ang kaniyang “walk-in closet” sa kaniyang latest vlog!



Si Gabriella Louise Ortega Lopez o mas nakilala ng marami sa kaniyang screen name na Gabbi Garcia ay isang 21 taong gulang na aktres at singer. Isa sa pinakasikat niyang proyekto noon ay ang pagganap niya bilang si “Sang’gre Alena” sa Encantandia.



Kamakailan lamang ay ibinahagi niya sa publiko ang napakaganda at napaka-elegante nilang tahanan. Matapos nito ay mayroon na siyang latest vlog kung saan ipinasilip niya rin ang kaniyang “walk-in closet”.

Talaga namang napakaganda nang kaniyang “personal space” na ito. Ayon pa sa dalaga, bukod sa kaniyang kwarto ay pinakagusto niya talaga ang disenyo ng kaniyang “walk-in closet”.



Pagpasok pa lamang ay bubungad na sa iyo ang napaka-eleganteng pinto ng kaniyang “walk-in closet” na mayroong kulay puti at ginto. Kapansin-pansin din naman ang kaniyang “mini-lounge area” na ayon sa aktres ay para sa kaniyang glam team lalo na kung nagtutungo sila sa kanilang tahanan upang ayusan siya.



Mayroon din siyang cute na stool o “movable chair” na maaari niyang ilagay at dalhin sa kahit saang bahagi ng kaniyang “walk-in closet”. Maliban pa rito ay ipinakita din ni Gabbi ang kaniyang coffee table books tungkol sa “fashion”.
Aminado siyang mahilig talaga siya sa fashion kahit noon pa man. Napakadami din niyag mga sapatos tulad na lamang ng mga heels at sneakers. Ilan sa mga ipinakita niyang mamahaling heels ay ang kaniyang Jimmy Choo heels at ang isang pares pa ng heels na galing sa kaniyang Paris trip.



Ayon sa dalaga sinisigurado niyang sa tuwing mayroon siyang pupuntahan na lugar o bansa ay palagi siyang bumibili ng damit, sapatos, bag o kahit anong gamit na makapagpapaalala sa kaniya ng masasayang alaala niya sa lugar o bansa na iyon. Marami ding mga bags si Gabbi, ilan sa mga ito ay Louis Vuitton, Channel, Kurt Geiger at marami pang iba.

Mayroon din namang sariling “bar station” ang aktres sa loob ng kaniyang “walk-in closet” para sa kaniyang glam team o di kaya naman ay para sa kaniyang mga bisita. Halos lahat ng kaniyang mga damit ay nasa kaniyang kwarto kung kaya naman travel clothes lamang ang makikita sa walk-in closet niya. Dito nakatago ang kaniyang mga coat, blazer, at jacket.



error: Content is protected !!