John Regala mayroong nakakalungkot na pahayag patungkol sa aral na natutunan niya ngayon sa buhay!



Sabi nila ang pagiging isang artista ay hindi madali. Maaaring sinwerte o pinalad ka sa buhay nang mabigyan ka ng pagkakataong makilala sa industriya dahil sa iyong kahusayan o pambihirang galing sa pag-arte. Ngunit tulad nga ng isang linya ng kanta noon, “At ang lahat ay may katapusan”, masama o magandang mga bagay man sa ating buhay ay tiyak na matatapos din.


Kung kaya naman marami na ring mga artista sa ngayon ang nagsisiguro na dahil sa hindi din naman talaga permanente ang kanilang kasikatan at ang karangyaan na tinatamasa nila sa kanilang buhay. Mayroong ilan sa kanila ang nagsisimula nang mag-ipon at magpundar para sa kanilang “dream house”, “dream car”, ilang mga negosyo at ilan pang mga ari-arian na talagang matatawag mo na “investment”.




Ngunit sa kasamaang-palad ay mayroon din namang ilang mga sikat na aktor at aktres noon ang hindi na nagawa pang magtabi para sa kanilang kinabukasan. Tulad na lamang halimbawa ng isang beteranong aktor at kontrabida noon na si John Regala.


Talaga namang napakarami niyang nagawang pelikula at programa sa telebisyon kung saan niya ipinamalas ang pambihirang husay niya sa pagganap ng maraming mga karakter. Ngunit nakakalungkot lamang isipin na nasa mahirap na siyang sitwasyon sa ngayon.


Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang kaniyang kalagayan sa social media. Mayroon kasing isang netizen na nagbahagi ng kaniyang larawan at talagang kapansin-pansin ang kaniyang mahirap na kalagayan.

Hindi katulad dati na matipuno at talagang napakalakas niya, sa ngayon ay hinang-hina at payat na rin ang aktor. Ayon sa ilan pang mga ulat ay mayroon na rin kasi siyang. karamdaman kung kaya naman ibang-iba na ang kaniyang hitsura sa ngayon. Maliban pa dito ay talagang hirap siya sa buhay dahil wala siyang pera, trabaho o kahit anong mapagkakakitaan man lamang.



Talagang napakaraming mga Pilipino ang nalungkot sa sitwasyon niya sa ngayon kung kaya naman marami sa kanila ang nanalangin at umaasang kahit papaano ay matutulungan pa ng ibang mga kapwa niya artista si John. Isa lamang ang napagtanto ng batikang aktor sa ngayon, ayon sa kaniya na talagang nararanasan din ng marami sa atin.

Ayon sa kaniyang pahayag, kahit gaano man karami ang mabubuting bagay na kaniyang nagawa noon ay tila hindi na ito nakikita ng ibang tao lalo na sa ngayon na wala siyang pera, tila ba pati paggalang ng ibang tao sa kaniya ay wala na rin.






error: Content is protected !!