Matalinong pusa humingi ng karne sa isang tindahan, hinayaan pa ng may-ari na pumili siya ng kahit anong nais niyang pagkain!



Tiyak na maraming mga Pilipino ang sasang-ayon na pagdating sa pagkain, hindi maipagkakaila na maraming mga alagang pusa ang bigla na lamang aakyat sa lamesa at kukuha ng pagkain ng walang pahintulot. Magugulat na lamang ang kanilang mga tagapag-alaga o mga kasama sa bahay na wala na at ubos na pala ang itinabi nilang ulam o pagkain.



Ngunit hindi katulad ng ibang mga alagang pusa tila ba isang tao rin ang pusa na ito dahil sa paraan nito ng paghingi ng pagkain sa isang tindahan ng karne! Agad na nag-viral sa social media ang video ng isang pusa na ibinahagi mismo ni Indomita Passione.

Sa naturang video ang hindi sinungitan at pinagdamutan ng may-ari ng tindahan ang pusa bagkus ay pinapili pa niya ito ng karne na gusto niya. Aakalain mo talagang kostumer din ang pusa na ito kung ituring ng mabait na lalaki sa video.


Marahil marami ang nagtataka kung paanong naunawaan ng may-ari ang nais na kaining karne ng pusa ngunit tila ba mayroon silang sariling pamamaraan ng komunikasyon kung kaya naman alam ng lalaki kung anong karne ang ibibigay niya sa matalinong hayop. Nang makapili na ang pusa ng gusto niyang kainin ay agad namang humiwa ang lalaki at inabutan ang pusa ng karne na masaya nitong kinain sa sahig.


Maraming mga netizens ang talaga namang namangha sa pusa na ito at marami din naman ang talagang bumilib din sa lalaking nagtitinda dahil sa kabutihang ipinakita nito sa munting hayop. Tunay nga na hindi lahat ng tao ay ganito magtrato ng hayop ngunit pinakita lamang sa atin ng lalaki na ito na mas masarap pala talagang tumulong sa iba, hayop man ito o tao.


Walang ano mang materyal na bagay ang makakapantay sa busilak at mabuting kalooban ng tao na tiyak na magsisilbi din namang inspirasyon para sa maraming mga tao na mas tumulong pa sa mga nangangailangan.






error: Content is protected !!