Nakakabilib: 13.7 inches na baywang ng isang babae sa Myanmar labis na hinangaan ng publiko!



Hindi na bago para sa mga kababaihan ang usapin patungkol sa maganda at balingkinitan na pangangatawan. Maraming mga kababaihan sa ngayon ang nangangarap na magkaroon ng payat na pangangatawan, mababang timbang at maliit na sukat ng baywang.



Kalimitang nasa 24 inches ang pinapangarap na waistline ng maraming mga kababaihan sa ngayon. Dahil dito ay mas marami pa ang nagsusumikap na mag-ehersisyo upang mapanatiling maliit ang kanilang mga baywang at maganda ang kanilang pangangatawan.


Ngunit nabigla ang publiko nang naging usap-usapan sa social media ang napakaliit na baywang na ito ng isang babae. Siya ay si Su Moh Moh Naing, 23 taong gulang at nakatira sa Myanmar.

Naging kandidato siya para sa taong mayroong pinakamaliit na baywang sa buong mundo sa Guinness Book of World Records ngunit nabigo siyang makuha ang pagkilala na ito dahil sa naiuwi na ito ng isang babaeng Briton na mayroon lamang 13 inches na baywang. Narito ang ilan sa mga naging reaksyon ng mga netizens sa pambihirang baywang ni Su Moh Moh Naing.


“Grabe naman ang kaseksihan ni Ate Girl! May mga sikmura pa ba iyan? Ngayon lang ako nakakita nang ganyang baywang,” komento ng isang netizen.



“Baka may kondisyon o sakit na nagkakaganiyan ang baywang. Pangarap kong lumiit ang baywang ko pero hindi naman ganiyan, medyo nakakailang din.”pahayag naman ng isa pa.
“Su Moh Moh Naing (FB account niya ‘yan) Asian Record Holder, smallest waistline, grabe ang liit ng baywang 13.7 inches lang naman,” turan naman ng isang pang netizen.

Talaga namang napakaraming mga netizens ang namangha sa liit nang baywang ng babae na ito. Sinong mag-aakala na posible pala ang pagkakaroon ng ganito kaliit na baywang para sa isang babae. Kahit pa nga napakaliit ng kaniyang baywang ay napapanatili pa rin niyang maayos ang kaniyang pamumuhay sa araw-araw at mayroon pa rin siyang magandang disposisyon sa buhay.






error: Content is protected !!