Paglalagay ng pagkain sa isang mangkok o platong may tubig, ginagawa mo rin ba sa inyong tahanan?



Napakaraming mga klasikong pamamaraan noon ang talaga namang nagagamit at napapakinabangan pa rin ng marami sa atin hanggang sa ngayon. Maaaring laganap na sa ngayon ang internet, social media, at modernong mga pamamaraan at kagamitan ngunit mayroon pa rin talagang mga bagay ang mahirap nang tanggalin sa ating araw-araw na pamumuhay lalo na kung talagang nakaugalian na natin ang mga ito.



Tulad na lamang halimbawa ng nakakamanghang pamamaraan na ito kung saan nakasanayan na nating ilagay o ipatong ang mga pagkain sa isang lalagyan na mayroong tubig upang hindi ito langgamin. Marahil marami na rin sa atin ang nakasubok na ilagay ang ating mga asukal, palaman, at mga tirang ulam sa mga lalagyang ito upang hindi na gapangan pa ng insekto tulad na lamang ng mga langgam.


Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ng sa social media ang Facebook post na ito ng isang netizens na nakilala bilang si Amor Fatum sa Facebook page na “Philippine Simulation: Makabayan Posting”. Ibinahagi niya kasi sa social media ang klasikong pamamaraan na ito upang hindi na langgamin pa ang ating mga pagkain sa lamesa.

Napakalaking tulong rin nito para sa mga taong walang sariling “refrigerator” na mapaglalagakan ng kanilang mga tirang ulam o tirang pagkain. Hindi rin nakalimutang ibahagi ni Amor na kahit noon pang 1500s ay ginagawa na ito ng mga ninuno natin bago pa man tayo sakupin ng mga dayuhang mananakop.


Umani nga ng napakaraming mga komento at reaksyon mula sa publiko ang post na ito. Sa ngayon ay mayroon nang higit sa 62,000 reactions na karamihan ay ‘haha,’ 400 comments, at 150,000 shares ang naturang post na ito.



Marami din namang mga millennial ang nagpatunay na kahit sa mga panahong ito na marami nang mga modernong kagamitan at pamamaraan ay patuloy pa ring ginagawa ng marami sa atin ang “mahiwagang pamamaraan” na ito.




error: Content is protected !!