Categories: Viral

Sikat na Syrian vlogger nagsimula nang mamigay ng mga iPad sa ilang mga estudyante at online sellers!

Mapapa-“sana all” ka na lang talaga sa kabutihang ginagawa ngayon ng ilang mga kilalang personalidad sa bansa sa gitna ng mahirap na pagsubok na nararanasan natin ay marami pa ring mga mabubuting taong hindi nagsasawang tumulong sa mga taong tunay na nangangailangan. Tulad na lamang ng isang Syrian vlogger na nagpapamahagi na ng ilang mga iPads sa mga estudyante at online sellers.

Ang tunay niyang pangalan ay Basel Manadil, o kilala rin ng maraming mga netizens bilang si “Hungry Syrian Wanderer”. Hindi na bago ang ganitong pamamaraan ni Basel lalo na sa pagtulong sa maraming mga Pilipinong nangangailangan.

Ngunit kahit pa nga isa siyang Syrian national ay talaga namang bukal sa kaniyang puso ang pagtulong sa ating mga kababayan. Noon pa man ay nababalitaan na ng maraming mga Pilipino ang mga pagtulong na ginagawa ni Basel sa iba.

At sa gitna nga ng pandemya ay naisipan naman iyang tulungan ang mga kababayan nating mag-aaral at online sellers. Maliban sa mga iPads ay nagpamigay rin siya ng ilang mga “Wi-Fi modems”.

“While the lockdown has closed off from certain parts of life, for some Filipinos, this situation has made dreams even more unreachable than before. As a result, they are looking for ways on how to cope and move on with life. ” Pagbabahagi ni Basel sa kaniyang Facebook account.

Dagdag pa ni Basel ginamit niya ang sarili niyang pera na inipon niya nitong mga nakaraang buwan upang makabili ng mga gadgets na ito. Habang ang kaniyang “talent fee” naman ang ginamit niyang pambili ng mga “Wi-Fi modems”.

Tulad ng iba pa niyang mga nagawang pagtulong sa maraming mga tao, nais ni Basel na maibalik muli at maiparamdam sa publiko ang tunay na diwa ng bayanihan. Ayon pa sa kaniya ay maaari pa rin naman tayong magkaisa at tumulong sa pinakasimpleng bagay na ating magagawa sa sarili nating mga kaparaanan.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago