Vlogger at BBC host magkakaroon ng collaboration video nang wastong pagsasaing tulad ng isang tunay na Asyano!



Maraming mga Pilipino ang talaga namang sanay na sanay nang magsaing sa murang edad pa lamang. Ito ay dahil sa bigas o kanin ang isa sa pinakapangunahin nating pagkain dito sa bansa.


Halos lahat ng mga magulang ay matiyagang tinuturuan ang kanilang mga anak na magsaing lalaki man sila o babae. Mas mabuti na kasing marunong sila ng ganitong simpleng gawain sa bahay kaysa naman lumaki sila ng hindi nila ito natutunan.



Malaking tulong ito para sa kanilang paglaki at pagiging responsable. Tiyak na mapapakinabangan din nila ito kapag nagkaroon na sila ng sarili nilang mga pamilya.


Kamakailan lamang ay umani ng napakaraming mga komento at reaksyon mula sa publiko ang hindi wastong pagsasaing ng isang BBC host. Maraming mga tao ang talaga namang nagbigay ng kanilang mga kritisismo laban sa host ng BBC Food na kalaunang nakilala bilang si Hersha Patel.


Isa na nga sa mga taong nakapanuod ng viral na video ni Patel ang isang sikat na Malaysian YouTuber at komedyante na si Nigel Ng. Sa video ni Ng na nag-viral din talaga namang kitang-kita ang pagkagulat nito at labis na pagkadismaya sa naging paraan ng pagsasaing ni Patel.

Makalipas ang ilan pang mga araw ay napagdesisyunan ng dalawang magkita at magkausap. Dahil nga sa pareho din naman silang Asyano, mula sa India si Patel habang Malaysia naman ang bansa ni Ng, napagkasunduan nilang magkaroon ng video collaboration.



Ayon sa isang maikling video ng dalawa, nagkaroon sila ng pagkakataong magkausap at kumain. Nagulat din sila dahil sa atensyong nakukuha nila mula sa maraming mga netizens.

Inamin din naman ni Patel kay Ng na alam niya talaga ang tamang pamamaraan ng pagsasaing dahil sa isa din talaga siyang Asyano. Kung kaya naman hinikayat din niya ang maraming mga netizens na pakaabangan ang kanilang niluluto na collab video na tiyak na magugustuhan ng publiko.






error: Content is protected !!