Gutom na lalaking kanin lamang ang binili sa isang fast food chain, binigyan ng pagkain ng kanilang crew!



Isang crew ng sikat na fast food restaurant ang nagbigay sa isang lalaki ng libreng pagkain matapos nitong makita na kanin lamaang ang pagkain ng matanda at humingi lamang ito ng isang basong tubig. Ibinahagi sa social media ng netizen na si Earl Archievan Calixtro ang pagkamanghang naramdaman niya sa isang crew na ito na nagtatrabaho sa McDonald’s Pampanga.



Nagpakita kasi ito ng pambihirang kabutihan sa matandang lalaki. Ayon pa kay Earl, kapansin-pansin na kaagad na gutom, pagod at hirap ang matandang lalaki nang pumasok ito sa popular na fast-food chain.

Umupo pa nga ito malapit sa kaniyang pwesto ng mga sandalin iyon. Ngunit laking gulat niya ng makitang kanin lamang ang binili nito at humingi lamang ng isang baso ng tubig.



Hindi naman nagdalawang-isip na tumulong ang netizen na ito at agad na kinausap ang matanda kung nais pa nito ng makakain. Sabi naman ng matandang lalaki ay wala na siyang pera kung kaya naman kanin na lamang ang kaniyang binili upang kahit papaano ay mapawi ang kalam ng kaniyang sikmura.

Nasopresa naman si Earl nang makitang mayroon nang pagkain ang matandang iniwanan niya kanina na kumakain lamang ng kanin. Binigyan pala ng isang crew ang matanda ng makakain pag alis ni Earl.


Kung kaya naman pinabaon na lamang niya sa matandang lalaki ang pagkain na kaniyang binili para dito. Sinaluduhan niya ang mga staff at crew ng McDonald’s San Fernando dahil sa ginawa nilang pagtulong sa matandang lalaki.


Ayon din kay Earl, taga-Taclabon pala ang matandang lalaki na bumiyahe at nagbakasakali patungong Pampanga upang maghanap sana ng trabaho ngunit sadyang naging napakalaking pagsubok nito para sa kaniya lalo na sa nararanasan natin ngayon na pandemya. Bilang pagtatapos sa kaniya viral post ay sinabi naman ni Earl na sa kabila ng mga mahihirap na pagsubok na kinakaharap natin sa ngayon ay patuloy pa rin tayong maging mabuti at gumawa ng magagandang bagay para sa ating kapwa.






error: Content is protected !!