18-anyos na dalaga kumita ng Php90,000 isang buwan dahil sa online selling!



Hindi madali ang pinagdaraanan ng maraming mga Pilipino sa ngayon. Hindi naman lingid sa ating kaalaman ang mga pagsubok at pagsasakripisyo sa buhay na kailangan nating tiisin sa araw-araw, bukod pa ang pagharap sa pandemyang nananalanta sa maraming mga bansa sa buong mundo.



Ngunit bilang mga Pilipino, patuloy pa rin nating pinatutunayan sa buong mundo na walang makapipigil sa atin na abutin ang ating mga pangarap sa buhay gaano man kaimposible o kahirap ang ating mga pinagdaraanan. Tulad na lamang halimbawa ng kwento ng 18-anyos na dalagang ito.

Si Daniella Susana ay isa sa mga “online sellers” ngayon na talagang nagsusumikap sa buhay sa kabila ng pandemya sa bansa.


“I started selling them in the last week of May this year. I read feedbacks about the brand and its products first. Then, I sent a message on their Facebook page to inquire. I ordered 100 tubs for my first batch. My capital was around Php6,000.” Pahayag niya sa isang e-mail interview niya sa PEP.ph.


Ayon sa dalaga ay sarili niyang ipon ang kaniyang ginamit sa kaniyang online business at humiran din siya ng kaunting pera sa kaniyang mga magulang. Sinong mag-aakala na ang aabutin ng kaniyang total sales sa loob ng isang buwan ay P90,000 na agad?

Dahil na rin sa tagumpay niyang ito ay isa na siya sa pinakamatagumpay na partner ng “Los Churreros Churreria”. Nito lamang Mayo 2020 ay nakapagtapos na siya sa “St. Paul College of Bocaue” at nagpaplanong kumuha ng kurso na “Financial Economics and Accountancy” sa De La Salle University Manila.



Ayon sa dalaga marami siyang natutunan at naranasan sa aral dahil sa kaniyang ginawang online business. At para sa kaniya ay tiyak na magagamit niya ang mga aral at “skill” na natutunan niya dito sa kaniyang pagkokolehiyo at pagtatrabaho sa hinaharap.

Tunay nga na nais din niya na maging isang inspirasyon para sa maraming mga kabataan sa ngayon na mas magsumikap sa buhay at huwag matakot na sumubok ng iba pang mga bagay lalo na ang pagnenegosyo.




error: Content is protected !!