Assunta De Rossi masayang ibinalita sa publiko na baby girl ang kaniyang miracle baby!



Ang Filipina-Italian actress na si Assunta De Rossi ay 37 taong gulang na ngunit sa kabila nito ay nabiyayaan pa rin siya at ang kaniyang mister na si Jule Ledesma ng isang napakagandang regalo. Nagdadalang-tao kasi sa ngayon ang aktres at talaga namang sabik na sabik na itong maging isang ina sa wakas.



Halos 16 na taon din kasi ang kanilang hinintay upang magkaroon ng sarili nilang anak. Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Assunta ang isang “congenital anomaly scan” ng kaniyang baby Fiore na ang ibig sabihin ay bulaklak sa salitang Italyano.

Labis labis din ang kaniyang pasasalamat dahil sa maayos ang kaniyang pagbubuntis at malusog ang sanggol sa kaniyang sinapupunan. Tinawag din niyang “coccolina” ang kaniyang baby girl na ang ibig sabihin ay “the cuddly one.”


Nagkaroon naman ng palita ng mensahe sa comment section si Assunta at ang kaniyang pamilya. Ayon sa kaniyang ina ay kakaibang saya ang dulot sa kanila ng kaniyang miracle baby. Agad namang sumagot ang aktres at tinanong ang ina kung maaari na niyang palitan ang kaniyang kapatid na tinatawag din pala nilang “coccolina” noon.



Hindi naman pumayag ang kaniyang kapatid na si Isabel at sinabing maaari namang “coccolina junior” na lamang ang baby girl ni Assunta. Tunay nga na napakagandang biyaya nito para sa mag-asawang Assunta at Jules.

Taong 2004 nang ikasal ang dalawa na naging isa pa nga sa pinakakontrobersiyal na kasalan noon dahil sa agwat ng kanilang edad. Ngunit pinatunayan naman ng mag-asawang ito na hindi naging balakid ang malaking agwat ng kanilang edad sa kanilang pagmamahalan.



Si Jules ay mayroon na ding dalawang anak sa namayapa nitong asawa na si Maria Cristina Tsung Pek, sina Cristina, 29-anyos, at Carlos, 24-anyos. Maraming mga netizens din ang nagpahatid ng kanilang pagbati sa mag-asawa at marami din ang nananalangin na sana ay maging ligtas at maayos ang pagbubuntis ng aktres.




error: Content is protected !!