Heart Evangelista, “fashion obsession” sa ngayon ang mga native bags na gawa mismo dito sa Pinas!



Si Love Marie Payawal Ongpauco-Escudero o mas kilala ng maraming mga Pilipino bilang si Heart Evangelista ay 35 taong gulang na aktres, TV host, visual media artist, pilantropo, at socialite. Sa kasalukuyan ay siya rin ang “first lady” ng probinsiya ng Sorsogon dahil sa kaniyang mister na si Francis Joseph “Chiz” Guevara Escudero na nagsisilbi bilang Gobernador ng Sorsogon mula pa noong taong 2019.



Ikinasal ang dalawa noong taong 2015. Hindi lamang hinahangaan si Heart dahil sa kaniyang talento sa pag-arte at sa hilig nito sa Sining. Kilalang-kilala rin ang aktres dahil sa kaniyang mga mamahaling kagamitan sa bahay, mamahaling mga damit at mga sapatos.


Kamakailan lamang ay nagkaroon siya ng interes sa mga produktong gawa mismo sa bansa ng mga manggagawang Pilipino. Ilan sa mga native bags na kaniyang ginagamit sa ngayon ay ang kaniyang “Pag-ibig Tote” na gawa ni Zarah Juan, lahat ng kaniyang mga ginagawang disenyo ay maaaring mahanap sa Bulacan, Cavite at maging sa Zamboanga.


Nito lamang Hulyo 14 ay ibinahagi din niya ang kaniyang OOTD kung saan makikita ang napakagandang “Aratilez” bucket bag na talaga namang nakakabilib pagmasdan at aakalain mong galing pa sa ibang bansa. Ayon naman sa website ng naturang bag ay naglalaro sa P875 hanggang P12,000 ang presyo ng mga ganitong klase ng native bags.


Mayroon din siyang Abaca bag na talaga namang pumukaw din sa atensyon ng publiko. Maliban pa sa mga bag na ito ay maaalalang paborito din ni Heart ang kaniyang bag na gawa sa Pili nutshells.



Pili ang isa sa pinagmamalaking produkto ng Bicol, partikular na ng Sorsogon. Ilang beses na ring nakita ng maraming mga netizens ang kaniyang “Tiffany HardWear Link Bracelet” na mula pa sa American luxury accessories brand na “Tiffany & Co.” Ang 18K gold bracelet na ito ay nasa USD7,000 o halos Php343,927.50 ang halaga!




error: Content is protected !!