THROWBACK: 90’s Pinoy Heartthrobs, nagpakilig sa maraming mga netizens!



Kilalanin natin ang mga sikat na ‘90s Heartthrobs na hinangaan at minahal ng maraming mga Pilipino noon at magpahanggang sa ngayon.

DANILO BARRIOS




Sino ba naman ang makakalimot sa tinaguriang “Pambansang Kilay” ng Pilipinas? Si Danilo Bouffard Barrios Jr. o sumikat sa kaniyang screen name na Danilo Barrios ay 36 na taong gulang na aktor na mas nakilala pa sa pambihira niyang pagganap sa “Spirit Warriors: The Shortcut” (2003), “Imortal” (2010) at “Spirit Warriors” (2000). Taong 2013 nang ikasal siya sa kaniyang misis na si Regz Soqueno. Sa ngayon ay isa na rin siyang matagumpay na businessman.

RED STENBERG



Si Red Stenberg ay isa rin sa mga hinangaang heartthrobs noong ‘90s. Siya ay 46 na taong gulang na sa ngayon. Ilan sa mga proyektong ginawa niya noon ay ang “Silaw” (1998), “T.G.I.S.: The Movie” (1997) at “Sumigaw ka hanggang gusto mo” (1999).

PATRICK GARCIA



Hinangaan din ng maraming mga Pilipino ang gwapong aktor na si Franz Patrick Velasco Garcia na nagsimula sa industriya ng show business sa murang edad. Mayroon siyang anak sa dating nobya na si Jennylyn Mercado na si Alex Jazz Mercado, 11-anyos. Taong 2015 nang ikasal siya kay Nikka Martinez at sa ngayon ay mayroon silang tatlong mga anak sina Michelle, Patrice, at Pia.

RICO YAN




Si Ricardo Carlos Castro Yan o mas nakilala ng publiko bilang si Rico Yan ay 27 taong gulang na aktor, modelo, host, at businessman noon. “Pambansang Dimples” naman kung tawagin si Rico Yan sa entertainment industry. Talagang minahal at hinangaan ng marami ang tambalan nila ng on at off-screen love team niyang si Claudine Barretto. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay pumanaw ang aktor habang nagbabakasyon sa Palawan kasama ang kaniyang mga kaibigan.

ERIC FRUCTUOSO


Si Frederick John Marco M. Fructuoso ay isa rin sa mga ‘90s heartthrobs noon. Siya ay isang aktor, komedyante, at dating HipHop dancer. Isa din siya sa mga nakilalang miyembro ng “Gwapings” kasama sina Mark Anthony Fernandez, Jomari Yllana at Jao Mapa. Sa ngayon ay madalas pa rin siyang mapanuod sa mga pelikula at ilang programa sa telebisyon.

DINO GUEVARRA




Si Dino Guevarra ay isa rin sa mga nakilalang heartthrobs noong T.G.I.S. days. Gumanap siya bilang si David isang masipag na tindero sa isang flower shop. Maraming mga Pilipino ang nagmahal sa tambalan nila ng aktres na si Kim Delos Santos.

ONEMIG BONDOC


Si Juan Miguel “Onemig” Rivera Bondoc ay 43 taong gulang na aktor at TV host. Hinangaan din siya ng publiko dahil sa kaniyang mahusay na pagganap sa programang “T.G.I.S.” at ilan pa niyang mga pelikula at programa sa telebisyon. Napangasawa niya si Valerie Bariou noong taong 2009 na isa ring aktres at “print and TV model”.

BOBBY ANDREWS


Si Robert Riu Andrews o mas nakilala ng publiko bilang si Bobby Andrews ay 43 taong gulang na aktor, TV host at matinee idol. Nagsimula siya noon bilang isang commercial model ngunit nabigyan ng big break sa show business ng mabuo ang tambalan nila ng aktres na si Angelu de Leon sa T.G.I.S.

MARK ANTHONY FERNANDEZ


Si Mark Anthony Lacsamana Fernández ay 41 taong gulang na aktor. Siya ang kaisa-isang anak nina Rudy Fernández at Alma Moreno. Taong 2006 nang ikasal siya kay Melissa Garcia Fernandez. Sa ngayon ay mayroon na siyang anim na mga anak sa iba’t-ibang babae na naging karelasyon niya noon ayon sa kaniyang naging pahayag sa ilan niyang mga interbyu.

DINGDONG DANTES


Si Jose Sixto Raphael “Dingdong” Gonzalez Dantes III o si Dingdong Dantes ay 40 taong gulang na aktor, TV host, dancer, commercial model at film producer. Siya rin ang founding chairman ng “Yes Pinoy Foundation” at pinamamahalaan din niya ang sarili niyang film studio sa “AgostoDos Pictures”.




error: Content is protected !!