Megastar Sharon Cuneta, paano nga ba nagsimula, nagtagumpay at yumaman?



Marami tayong hinahangaan na mga artista at sikat na personalidad hindi lamang sa Pilipinas kung hindi maging sa ibang bansa. Hinahangaan at minamahal natin ang mga personalidad na ito hindi lamang dahil sa husay at galing nila sa larangan na napili nila kung hindi maging sa kanilang naging pagsusumikap sa buhay, mga kinaharap at nalagpasan na mga pagsubok, at sa pagiging inspirasyon nila sa maraming mga tao.


Tulad na lamang halimbawa ng isang Megastar Sharon Cuneta. Lingid sa kaalaman ng marami ay mula pala sa isang kilalang pamilya si Sharon Cuneta.

Ang kaniyang mga magulang ay sina Pablo Cuneta at Elaine Gamboa-Cuneta. Sa edad na 12 taong gulang ay natuklasan nilang mayroon pala siyang pambihirang husay sa pag-awit.


Nangyari ito matapos siyang pakantahin noon sa isang “party” ng kaniyang pamilya. Inawit niya ang sikat na awitin noong 1970 na “Bato sa Buhangin”. Ang kaniyang tiyuhin na si Tito Sotto ang humikayat sa kaniyang gumawa ng ilang mga “record” sa kaniyang “label”.



Agad naman itong tinanggap ni Sharon. Ang kauna-unahan niyang single noon ay ang “Tawag ng Pag-Ibig”. Hindi lamang siya sa larangan ng pag-awit sumikat dahil nakilala din siya sa larangan ng pag-arte. 1985 nang pagbidahan niya ang pelikulang “Bituing Walang Ningning” kasama ang iba pang mga mahuhusay na artistang sina Christopher De Leon at Cherie Gil.


Sa halos 40 taon niya sa industriya ay marami na siyang nagawang mga pelikula, programa sa telebisyon. Isa rin siya sa “highest-paid commercial endorser” sa Pilipinas.


Dahil sa kaniyang naging tagumpay sa entertainment industry ay hindi na nakapagtatakang isa siya sa pinakamayamang artista sa bansa ngayon. Ayon sa ilang mga ulat ay halos nasa Php600-800 milyong piso ang kaniyang net worth.

Kung kaya naman hindi na nakapagtatakang marami siyang mga naipundar na ari-arian, bahay, mga sasakyan, mga mamahaling gamit tulad ng mga bag, damit, sapatos, at iba pang mga mamahaling mga alahas.




error: Content is protected !!