Nasorpresa ang publiko dahil sa kakaiba at nakakabilib na hitsura ng bahay kubo na ito na simple lamang sa labas ngunit napakaganda sa loob.



Bahay kubo, isa sa pinakakomportableng bahay ng maraming mga Pilipino noon at hanggang sa ngayon. Talaga namang marami pa rin sa atin ang nagnanais na manirahan sa presko at komportableng tahanan na ito.



Madalas na ang mga bahay kubo noon ay gawa sa mga pawid at iba pang simpleng materyales na makukuha lamang sa labas ng ating mga tahanan, sa bukid o sa gubat. Samantalang sa ngayon ay mayroon na ring mga bahay kubo na gawa sa semento at iba pang materyales na madalas na ginagamit sa pagbuo ng mga modernong kabahayan.


Noon ay simpleng simple lamang ang bahagi ng mga bahay kubo natin, kung kaya naman marami ang nagulat nang masilayan ang nakakabilib na interyor ng isang tahanan na ito. Sa labas ng viral na bahay kubo na ito ay kalahating semento at kalahating “amakan” o iyong mga materyales na gawa sa mga kawayan.



Ngunit ang loob ng bahay kubo na ito ay talaga namang nakakamangha. Aakalain mo kasi talagang modernong moderno ang tahanan na ito sa labas at sa loob!



Talaga namang humanga ang maraming mga netizens sa Php280,000 halaga ng bahay na ito. Ayon sa ilang mga ulat, ang nagmamay-ari ng nakakamanghang bahay na ito ay walang iba kung hindi si John Paul Cortes Lamoste at ang kaniyang pamilya.



Napili ng mag-asawa ang ganitong klase ng disenyo upang hindi na sila gumastos pa ng malaking halaga. Sinimplehan lamang nila ang labas ng kanilang bagong gawang bahay na natapos nito lamang Marso at mas binigyan ng atensyon ang loob nito na mayroong kulay puti at asul na kulay.


Talagang maaliwalas at malinis tingnan ang ganitong tahanan. Gumamit sila ng mga kahoy para sa kanilang pintuan at mga upuang gawa sa kawayan naman ang nasa kanilang sala.

Naka-tiles ang kanilang sahig at mapapansin din ang kanilang flat screen TV na nagdagdag din ng ganda sa kanilang tahanan.




error: Content is protected !!