Sanggol 1.5 litro ng kape lamang ang pantawid gutom sa loob ng isang araw dahil sa hirap ng buhay!



Bilang mga magulang, wala tayong ibang nais kung hindi ang ikabubuti ng ating mga anak. Nais nating lumaki sila ng ligtas, malusog, masaya at puno ng pagmamahal.


Ngunit sa kasamaang-palad ay hindi lahat ng magulang ay mayroong kakayahan na mabigyan ang kanilang mga anak ng pangunahin nilang mga pangangailangan dahil na rin sa labis na kahirapan. Tulad na lamang ng mag-asawang Safiruddin at Anita na kumikita lamang ng 20,000 Indonesia Rupees o halos $1.42 sa loob ng isang araw.

Nagtatrabaho sila sa isang plantasyon ng kopra ngunit mayroon ding mga panahon na wala silang trabaho o pinagkakakitaan. Dahil na rin sa napakaliit nilang kinikita ay hindi sila makabili ng pagkain para sa kanilang pang-araw-araw.

Maging ang kanilang anak na babae ay wala nang iba pang pantawid gutom kung hindi kape. Hindi “instant coffee” na mayroong krema o gatas ang kape na kaniyang iniinom kundi iyong mumurahing kape lamang na pinakukuluan sa maraming tubig at nilalagyan ng kaunting asukal.




Ang kanilang anak na si Hadijah ay ipinanganak sa Polewali Mandar, West Sulawesi sa Indonesia at umiinom na ito ng kape mula noong anim na buwang gulang pa lamang siya. Nasa halos limang tasa ng kape ang nauubos niya sa loob ng isang araw o umaabot din ng 1.5 litro.


Buti na lamang at hindi namayat ang bata tulad ng iba pang mga musmos na hindi kumpleto sa nutrisyon. Ang tanging napansin lamang ng kaniyang mga magulang ay palagi siyang gising at masiglang masigla sa gabi.

Marahil ay dahil ito sa kape na kaniyang madalas inumin. Matapos maging viral nang kanilang mahirap na sitwasyon ay dumagsa naman ang tulong sa mag-anak.

Mayroong mga nagbigay ng pagkain at gatas para sa kanilang anak na si Hadijah. Tunay nga na marami pa ring mga tao ang hindi nagsasawang gumawa ng mabuti para sa kanilang kapwa lalong lalo na sa mga nangangailangan.




error: Content is protected !!