Angeline Quinto aminado sa pagiging isang retokada!



Si Angeline Quinto ay 30 taong gulang na mang-aawit, aktres at tinanghal na kampeon ng Star Power: Sharon’s Search For The Next Female Pop Superstar noong 2011. Talaga namang hinangaan ng publiko si Angeline sa napakataas nitong boses na madalas at kinukumpara din kay Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid.


Maliban sa husay at galing niya sa pag-awit ay marami ding humahanga sa kaniya dahil sa angkin niyang kagandahan. Ngunit mayroon pa ding iilan na talaga namang hinuhusgahan siya at nilalait dahil sa pagiging isang retokada.



Kamakailan lamang ay matapang na nagpahayag si Angeline ng kaniyang saloobin patungkol dito. Sa kaniyang Instagram post noong Hulyo 31, ayon sa kaniya hindi niya kailan man itinago at ikinahiya ang mga pinaretoke niya.


At dahil sa malaking usapin pa rin ito para sa marami. Pinabulaanan naman ito ng Kapamilya singer at sinabing pinaghirapan naman nila ang pera na kanilang ginamit o ginastos para dito kung kaya naman hindi na dapat pang husgahan sila dahil lamang sa nagparetoke sila.

Bilang isang sikat na singer ay kailanga talaga nilang alagaan ang kanilang pangangatawan lalong lalo na ang kanilang hitsura kung kaya naman hindi niya ikakaila na ilan sa mga naipagawa na niya ay “eyelid surgery”, “arm at belly liposuction”, “thermage”, “breast reduction” at “glutathione injection” kung minsan. Saad pa niya sa kaniyang post ay hindi siya nagparetoke ng kaniyang ilong sa katunayan ay nagpakonsulta na siya noon patungkol dito ngunit hindi niya itinuloy.




Hindi rin nakalimutan ng singer na magpasalamat kay Dra. Vicki Belo na kilala bilang isa ito sa nagpapaganda sa kaniya. Marami din naman sa kaniyang mga tagasuporta at tagahanga ang mas bumilib sa ginawang ito ng singer.


Marami talagang mapanghusgang tao ngayon lalo na sa social media. Ngunit sa halip na magalit o sumama ang loob ni Angeline ay mas nangibabaw pa rin sa kaniya ang katotohanang wala naman talaga silang tinatapakan na kahit sino nang magdesisyon silang magpaganda, magparetoke o magpaayos ng kanilang katawan o mukha.




error: Content is protected !!