Iya Villania-Arellano ibinahagi sa kaniyang Instagram account ang ebidensiyang nanganak nga talaga siya!



Ang pagiging isang magulang ay isang napakagandang biyaya mula sa Diyos. Ang ina at ama ang nagsisilbing gabay ng kanilang mga anak habang ang mga ito ay bata pa.

Kung kaya naman nararapat lamang na mas maging mapagmahal at maunawain tayong mga anak lalo na kung dumating na ang panahon na tumanda na ang ating mga magulang. Hindi rin dapat natin sagutin o bastusin ang ating mga magulang kahit ano pa man ang ating dahilan sa paggawa nito.




Lingid sa ating kaalaman ay nasa hukay na kaagad ang buhay ng ating ina sa panganganak pa lamang sa atin. Maaaring sinasabi ng iba na madali lamang magbuntis at manganak ngunit maraming mga kababaihan ang makapagpapatunay na hindi ito totoo.


Tulad na lamang halimbawa ng Kapuso host na si Iya Villania-Arellano, nito lamang Hulyo ay isinilang na niya ang ikatlong anak nila ng mister niyang si Drew Arellano na pinangalanan nilang Baby Alana. Mayroon nang dalawang mga kuya si Baby Alana, si Primo at si Leon.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang naging panganganak ni Iya at maraming mga netizens ang talagang bumilib sa kaniya dahil sa tila hindi raw ito nahirapan sa panganganak dahil sa sigla at lakas na pinapakita nito matapos niyang magsilang sa ospital. Dahil dito ay ibinahagi ni Iya sa kaniyang social media account ang mga larawan ng kaniyang “post partum body”.




“Let me tell you that nahirapan ako, and nanganak po. This is the evidence.” Pahayag ni Iya sa kaniyang Instagram stories.



Kapansin-pansin din na tulad ng ibang mga kababaihang nanganak ay mayroon siyang mga stretch marks, “flabs”, “dark lines”, at “belly button”. Si Baby Alana ay isinilang noong Hulyo 18 sa “The Medical City” sa Ortigas, Pasig City.


Noong araw lang din na iyon nila nalaman ang kasarian ng kanilang ikatlong anak ni Drew. Sa kaniyang pagbubuntis ay hindi pa rin inalis ni Iya ang pag-eehersisyo sa kaniyang pang-araw-araw na gawain.

Makalipas lamang ang ilang linggo matapos niyang manganak ay halos lumiit na ulit ang kaniyang tiyan.




error: Content is protected !!