John Regala at dati niyang misis na si Aurina Hunt, naging emosyonal ang pag-uusap sa programa ni Raffy Tulfo!



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang kalunos-lunos na kalagayan ni John Regala. Si John Regala ay isa sa pinakamahusay at pinakakilalang aktor ng kaniyang henerasyon.

Talaga namang walang makapapantay sa kaniyang naging pagganap sa mga pelikulang ginawa niya noon kasama ang mga sikat na action stars. Kung dati ay napakalakas at napakatikas ng kaniyang tindig, ngayon ay makikitang hinang-hina na ang kaniyang pangangatawan dahil sa liver cirrhosis.



Tunay nga na napakahalaga ng ating kalusugan at dapat natin itong ituring na ating kayamanan. Maaaring ngayon ay malakas tayo ngunit sa mga susunod pang araw ay hindi natin batid ang mangyayari sa atin.

Tulad na lamang ng naging karanasan ng aktor na ito na ayon sa kaniya ay nasobrahan siya sa pagtatrabaho at napabayaan ang kaniyang sarili. Hindi rin naman itinanggi ni John sa kaniyang mga naging interbyu na mula noong nagkasakit siya at pumanaw ang kaniyang ina ay hindi na siya tinulungan at talagang pinabayaan na siya ng kaniyang pamilya.




Binunyag din niyang mag-isa na lamang siyang naninirahan sa maliit niyang kwarto dahil sa iniwanan na rin siya ng kaniyang asawa. Mayroon siyang mga ampon ngunit wala na rin silang pakialam sa aktor.
Buti na lamang at nag-viral ang kaniyang larawan sa social media nang i-post ito ng isang delivery rider. Dahil dito ay bumuhos ang mga tulong sa kaniya at nagkaroon pa siya ng pagkakataong makausap muli ang unang asawa niyang si Aurina “Au Au” Hunt na kasalukuyang nakatira sa Amerika kasama ang kaniyang mister at ang biological son nila ni John.

Hindi rin naman nagdalawang-isip si Aurina na tulungan ang dati niyang kabiyak sa kinahaharap nitong mabigat na sitwasyon sa ngayon. Labis na naging emosyonal si John dahil hindi niya lubos akalain na siya pa ang tutulong sa kaniya sa halip na ang kaniyang sariling pamilya at mga inalagaang ampon.

Tunay nga na napakahirap ng sitwasyon ngayon ni John ngunit patuloy pa rin siyang kumakapit at umaasa sa mga taong nagmamahal at sumusuporta sa kaniya upang mapagtagumpayan niya ang pagsubok na ito sa kaniyang buhay.




error: Content is protected !!