Misis nadiskubre ang tinatagong pera ni mister nang ibunyag ito ng kanilang pusa!



Ayon sa isang sikat na kasabihan, walang lihim na hindi nabubunyag kung kaya naman para sa mga taong mayroong matinding nililihim ay nararapat lamang na mas maingat sila upang hindi mabunyag ng maaga ang pinakatatago nilang sikreto. Bilang isang mag-asawa, nakasanayan na ng marami sa atin ang maging matapat, maunawain, at masunurin sa ating mga kabiyak.

Ngunit tila hindi maiiwasang magtanong ng isang misis na ito sa Thailand kung bakit kinailangang magtago sa kaniya ng kaniyang mister ng pera. Ang nakakabilib pa sa pangyayari na ito ay alagang pusa pa nila mismo ang nakatuklas ng lihim ni mister sa kaniyang misis. Ang misis na ito ay nakilala bilang si Bow Kanuengnuch.

Ayon sa kaniyang kwento, madalas niyang kinakausap ang kaniyang mister patungkol sa mga bayarin at gastusin sa kanilang bahay ngunit ang tanging sagot lamang nito ay wala siyang pera. Dahil sa pinagkakatiwalaan niya ang kaniyang asawa ay agad naman siyang naniwala.

Isang araw, habang wala ang kaniyang asawa ay inakyat ng kanilang pusa ang isang “cabinet” sa kanilang sala at bigla na lamang may nalaglag na isang kahon na tila ba pilit na itinatago dahil sa pagkakalagay nito. Nang makita ni Kanuengnuch ang nalaglag na kahon at ang nagkalat na mga pera ay talaga namang nagulat siya.




Labis din siyang natawa sa naging reaksyon ng kaniyang pusa na tila ba naghuhugas-kamay at nagpapakainosente sa nagawang pagkakalat. Ngunit labis din naman ang kaniyang kagalakan dahil sa wakas ay mayroon na siyang magagamit na pera panggastos sa kanilang mga pangangailangan sa bahay.


Ang kaniyang mister ay nakapagtabi ng 100 Thailand Baht ($3.27) bills at nakaipon nga ito ng mahigit sa 2,000 Thailand Baht ($65.34). Bagamat hindi naisaad ng misis sa kaniyang post kung sapat na ang perang natuklasan niya para sa mga kinakailangan nilang pagkagastusan ay tila nasa magandang “mood” naman ito dahil sa kahit papaano ay mayroon silang magagamit na pera.

Ngunit tiyak na magugulat ang mister niya pag nalamang natuklasan na pala ni misis ang pinakatatago niyang lihim.




error: Content is protected !!