Munting hardin sa bubungan ng pamilyang ito, patok sa mga netizens!



Sa mga nakalipas na buwan at talaga namang mas mainam na manatili na lamang sa loob ng ating mga tahanan dahil sa pandemyang nanalanta ngayon sa maraming mga bansa sa buong mundo. Dahil sa nararanasan nating ito ay talaga namang marami ang nahihirapan at nagsasakripisyo ngunit patuloy pa rin tayong lumalaban at nagiging positibo.



Ilan na nga sa mga aral na ating natutunan sa mga nagdaang buwan ay mas malaking ginhawa talaga para sa bawat pamilya ang pagkakaroon ng sarili nilang taniman. Hindi lamang nila maiiwasang lumabas sa kanilang mga tahanan upang makapamili kung hindi mas magiging sigurado pa silang ligtas at sariwa ang mga pagkaing iluluto nila para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Sadyang napakalaking tipid din nito at hindi mo na kakailanganin pang gumastos para lamang makapamili ng gulay at iba pang pangangailangan sa inyong tahanan. Ngunit madalas na problema ng marami ang kawalan ng lugar, o lupa na kanilang mapagtataniman.


Ngunit kakaiba ang pamilyang ito na naitampok sa isang Facebook page na “New Normal: The Survival Guide”. Mayroon kasing “roof garden” ang mag-anak.

Talaga namang walang naging hadlang o anumang dahilan upang hindi sila makapagtanim lalo na sa panahon ngayon na napakahalaga ng sariwang mga pagkain para sa pagpapalakas ng ating pangangatawan. Ayon sa naturang post ay pagmamay-ari ni Tatay Buboy ang munting hardin sa kaniyang bubungan.


Sinong mag-aakala na maaari ka rin palang umani ng dalawang batya ng petsay sa iyong bubungan? Mayroon ding pang lettuce na talaga namang sobrang mahal kung bibilhin mo sa pamilihan.



Maraming mga netizens din ang nakapansin sa napakaganda nilang “magic rose”. Isang patunay lamang ito na kung gusto mo talagang magtagumpay sa isang bagay ay walang makakahadlang sayo upang gawin ang iyong ninanais kahit pa nga sabihin ng iba na imposible ito at hindi talaga mapangyayari.

Tanging ikaw at ang sarili mo lamang ang makakaalam ng iyong kakayahan.




error: Content is protected !!