Jak Roberto kinalimutan ang kaarawan ng kaniyang kasintahan na si Barbie Forteza!



Marami sa ating mga Pilipino ang talaga namang naglalaan ng oras para sa kaarawan ng ating mga mahal sa buhay at kaibigan. Isa ito sa pinakamahalagang araw sa kanilang buhay kung kaya naman hindi natin ito basta-basta pinapalampas.

Kahit simpleng handa o simpleng salo-salo lamang ay talaga namang ginagawa natin para sa paggunita ng araw na ito. Kung kaya naman tila ba nakakalungkot at napakasakit na makalimutan o makaligtaan ng ating mga mahal sa buhay ang araw ng ating kapanganakan.

Ito marahil ang nararamdaman at iniisip ng aktres na si Barbie Forteza kung kaya halos maiyak siya nang tila makalimutan ng kaniyang nobyo na si Jak Roberto ang kaniyang kaarawan. Kung dati rati ay talaga namang todo effort at todo gayak ang Kapuso actor pagpatak pa lamang ng alas dose impunto ng kaarawan ng dalaga, ngayon ay hindi niya ito binati sa pamamagitan ng text, tawag o kahit sa social media.


Ito ang kasi ang tampok ni Jak sa isa sa kaniyang mga vlog na pinamagatan niyang FORGETTING MY GIRLFRIEND’S BIRTHDAY PRANK!!!” Umani kaagad ng dalawang milyong mga views ang video niyang ito.



Ibinahagi ni Jak nito lamang Hulyo 30, Huwebes ang kanilang nakakatuwa ngunit nakakakilig din namang vlog.


“Ipa-prank ko siya na kunwari, nakalimutan ko yung birthday niya. Alas dose na ngayon, ayan, katu-12:01 lang, hindi ko pa siya binabati ng birthday niya. Hindi rin ako nagme-message sa kanya. Yun nga, hindi ko binati. Hindi ako tumatawag. Kahit sa social media, hindi ako nagpo-post tungkol sa birthday niya.” Pahayag ni Jak.

Nagpanggap siyang abalang-abala sa pag-eedit ng mga video kung kaya naman hindi niya nadalaw ang kasintahan. Kinabukasan ay nagpunta na siya sa bahay nina Barbie kung saan niya ipinagpatuloy ang plano niyang prank sa nobya.

Pumunta ng maaga si Jak sa bahay nila habang hindi pa lumalabas ng kaniyang kwarto si Barbie, kasabwat din niya ang mga kasamahan ng aktres sa bahay. Nag-set up siya kaagad ng kaniyang kamera at nang magkita na sila ni Barbie ay nagpanggap itong walang alam sa kaarawan ng nobya.

Nagtataka at tila naiinis na si Barbie sa kaniya kung kaya naman nilubos na niya ito at nagpaalam upang kunwari ay magpapalinis muna siya ng sasakyan. Matapos nito ay galit na pumasok si Barbie sa kaniyang silid. Nagpanggap naman si Jak na umalis na siya ngunit ang totoo ay mayroon itong sorpresang mga bulaklak at regalo para kay Barbie.

Nang lumabas nang muli sa Barbie ay laking gulat niya sa sorpresa ng nobyo at talagang naiyak pa ito sa sobrang pagkabigla.




error: Content is protected !!