Categories: Viral

Pusa tinangay ang baon ng isang sekyu, ngunit sa halip na magalit ang sekyu ay labis pa itong natuwa nang makita ang pusa!

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang pusa na ito dahil sa pagtangay niya ng isda na dapat sana ay pananghalian ng isang gwardiya. Ngunit sa halip na magalit ang sekyu dahil sa pusang kumuha ng kaniyang pagkain ay labis pa nga itong nagalak nang malamang dinala pala ng pusa ang nakuha nitong isda sa kaniyang mga kuting na naghihintay sa bubungan.

Ang nakakatuwang kwento na ito ay ibinahagi sa “Bayan Mo, Ipatrol Mo” ni Hilsy Policarpio Almerol. Talaga namang bumilib ang maraming mga netizens dahil sa hindi nito sinaktan ang kawawang hayop na tumangay ng kaniyang ulam.

Nagtatrabaho bilang isang gwardiya si Almerol sa Saint Scholastica’s Academy sa siyudad ng Marikina. Habang siya ay naka-duty noong Agosto 3 ay kinailangan niyang umalis sandali at maghugas ng kamay bago kumain ngunit nagulat na lamang siya nang biglang mawala ang kaniyang ulam na natangay na pala ng isang pusa!


Ang naturang pusa ay papatakas na at paakyat na sa bubungan ng makita ni Almerol. Aminado naman siyang noong una ay talagang nagalit siya nang bigla na lamang tangayin ng pusa ang kaniyang pagkain ngunit nang sundan niya ito at makitang inilaan pala ng pusa ang nakuhang isda para sa kaniyang mga kuting ay talaga namang napawi ang kaniyang galit at pagkainis.

Sinong mag-aakala na ang pusa pala ay isang nanay na nais lamang dalhan ng makakain ang kaniyang mga anak. Aakalain mong tao rin kung kumilos at magmalasakit ang mga hayop na ito sa kanilang mga paslit tulad na lamang halimbawa ng pagmamalasakit ng isang tao sa kaniyang mga anak.

Ibinahagi ito ni Almerol sa social media upang paalalahanan ang marami na huwag basta bastang mananakit ng mga hayop dahil sa tulad natin ay nakakaramdam din naman sila ng sakit, gutom, at panghihina. Mayroon din silang buhay at nararapat lamang na bigyan nating halaga ang mga munting buhay na ito.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago