Dating World Boxing Champion Malcolm Tunacao isa nang “proud basurero” sa bansang Japan!



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang naging pahayag ng dating WBC Malcolm Tunacao kung gaano niya ipinagmamalaki ang kaniyang desenteng trabaho sa ibang bansa. Ayon sa kaniya ay wala siyang dapat ikahiya sa kaniyang trabaho bilang isang basurero dahil sa marangal itong trabaho at wala rin siyang tinatapakan o sinasaktang tao.



“Okay lang sir, proud.. ‘Yung trabaho ko hindi nanlalamang ng tao. Talagang maganda yung trabaho ko, wala akong inaano na tao, marangal na trabaho.” Pagbabahagi ni Tunacao sa GMA.

Ayon sa ilang mga ulat, sumabak siya sa professional boxing noong 1998 at naging sikat na personalidad dito sa Pilipinas matapos niyang ipaghiganti ang pagkatalo ng ating Pambansang Kamao sa nakalaban nitong si Medgoen Singsurat noong taong 2000. Sa bansang Japan, nirerespeto ang mga basurero dahil sa pagpapanatili nila ng kalinisan sa komunidad kung kaya naman maraming mga residente ang talagang bumabati at nagbibigay respeto sa kanila.



Ayon sa dating kampeon, marami talaga siyang natutunan mula nang magtagumpay siya noon bilang isang propesyonal na boksingero. Natutunan niyang magpasalamat sa maraming mga bagay na tinatamasa niya at ng kaniyang pamilya, natutunan niyang manalangin at maging positibo sa buhay sa kabila ng maraming mga pagsubok at higit sa lahat ay natutunan niya ring gumalang sa ibang tao.


Tunay nga na maraming mga mahahalagang bagay dito sa mundo ang maaaring makapagpasaya sa atin bilang isang tao. Ngunit kapansin-pansin na hindi man ganun kayamanan sa mga materyal na bagay o salapi si Tunacao ay sadyang napakaraming magagandang ugali ang kaniyang tinataglay sa ngayon na tiyak na magsisilbi ring napakainam na inspirasyon para sa maraming mga Pilipino lalo na sa mga kabataan natin sa ngayon.

Maaaring wala kang malaking halaga ng pera sa iyong pitaka o wala kang mamahaling mga sasakyan at mansyon, ngunit kung mayroon kang tunay na kaligayahan, mayroon kang mapagpasalamat na puso, positibong pananaw sa buhay at pagkakuntento sa mga bagay na mayroon ka ngayon, tiyak na magiging masaya at makabuluhan ang araw-araw ng iyong buhay.




error: Content is protected !!