Gerald Anderson niregaluhan ng bagong sasakyan ang kaniyang ina!



Si Gerald Randolph Anderson o mas nakilala ng publiko bilang si Gerald Anderson ay 31 taong gulang na Filipino-American actor. Ilan sa mga sikat niyang proyekto ay “Sana Maulit Muli”, “My Girl”, “Tayong Dalawa“, “Budoy”, “Mars Ravelo’s Dyesebel”, “Nathaniel”, “On the Job”.



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang ginawang pagsorpresa ni Gerald sa kaniyang mahal na ina. Niregaluhan niya kasi ang kaniyang ina na si Mommy Evangeline Opsima ng isang bagong sasakyan.

Ibinahagi din ito ng aktor sa kaniyang pinakabagong vlog sa kaniyang YouTube channel. Ayon sa aktor ay nais niyang pasayahin ang kaniyang ina sa pamamagitan ng sorpresa niyang ito na talaga namang labis na ikinatuwa ng kaniyang ina.


Hindi rin nito napigilan ang maging emosyonal nang makita ang napakagandang regalo sa kaniya ng kaniyang minamahal na anak. Bagamat noong una ay labis na nabigla at hindi pa talaga makapaniwala si Mommy Evangeline sa kaniyang nakitang bagong sasakyan na mula kay Gerald ngunit nang mahimasmasan ito ay hindi na matanggal pa ang ngiti sa kaniyang mga mata.



Ayon sa ina ni Gerald, batid niyang hindi madali ang pinagdaraanan ngayon ng anak dahil sa nangyari sa “istasyon” na pinagtatrabahuhan nito ngunit nagawa pa rin niyang paglaanan siya ng ganitong klase ng sorpresa. Kung kaya naman talagang napakasaya niya.




Ayon naman kay Gerald, nais niya talagang mapasaya ang kaniyang ina kahit sa ganitong pamamaraan lamang. Umani ng maraming mga komento at reaksyon mula sa publiko ang vlog na ito ni Gerald.

Ayon sa ilang mga netizens, maaaring mayroon siyang mga kontrobersiyang kinaharap noon ngunit hindi pa rin nito mababago ang katotohanan na isa siyang mabuting anak na walang ibang nais kung hindi ang mapaligaya ang kaniyang ina sa abot ng kaniyang makakaya. Dahil dito ay mas marami pang mga netizens ang bumilib at humanga sa aktor.

Maaaring isa siya sa pinakakilalang aktor ngayon sa industriya ngunit sa kabila ng kaniyang tagumpay ay hindi pa rin niya nalilimutan ang kaniyang pinakamamahal na ina.




error: Content is protected !!