Siya ang tinanghal na ikalawa sa “World’s Longest Legs” dahil lamang sa halos 1.2 millimeters na lamang ng nasa unang pwesto!



Mula sa Austin, Texas ang babaeng tinanghal na mayroong pinakamahabang mga binti sa buong mundo. Siya ay walang iba kung hindi si Maci Curran.


Ngunit aakalain mo bang ang nasa ikalawang pwesto ay natalo niya dahil lamang sa 1.2 millimeters niyang lamang dito? Ang dalagang ito ay nakilala bilang ang 29 na taong gulang na si Rentsenkhorloo Bud mula sa Chicago na mayroong taas na 134.5 cm.




Si Maci naman ay 134.62 cm. Kinulang lamang talaga ng 1.2 mm si Rentsenkhorloo at tiyak na siya na nga ng record-holder.

Ngunit kahit pa nga nangyari ito ay hindi na siya nagreklamo pa dahil ayon nga sa kaniya ay masaya na siya sa kung anong buhay mayroon siya ngayon. Matangkad man siya o pandak, maiuwi man niya ang titulo o hindi, masaya pa rin siya sa kung anong buhay mayroon siya ngayon.


Ngunit iba sa kaniyang tingin sa kaniyang sarili ay talaga namang pansinin, at mapapalingon ka talaga sa kaniya kapag nakasalubong mo siya. Aakalain mo bang sa sobrang tangkad niya ay haba palang ng kaniyang binti ay halos katumbas na ng isang “teenager”?



Ang kaniyang taas ay 6 ft. 9 inches lang naman. Ngunit sa kabila nito ay hilig pa rin niya talaga ang pagsusuot ng high heels na mayroong taas na 5 inches.



Kahit pa nga sobrang tangkad niya ay punong-puno pa rin siya ng “self-confidence” at “self love” na ilan lamang sa mga magagandang ugali na mayroon siya. Hindi niya pinapansin ang mga tao na humuhusga sa kaniyang hindi pangkaraniwang hitsura o taas.

Tulad niya ay matatangkad din ang kaniyang mga magulang dahil ang kaniyang ama ay 6 ft. 10 inches at ang kaniya namang ina ay 6 ft. 1 inch. Ngunit ano man ang sabihin ng ibang tao laban sa kaniya ay hindi pa rin siya nagpapaapekto at mas lalong minamahal niya ang kaniyang sarili at ang mga katangian na kaniyang tinataglay.

Bagamat marami din siyang naranasang pagsubok at paghihirap lalo na sa pagbili ng kaniyan mga damit o mga sapatos at madalas ay hindi sinasadyang tumatama rin siya sa mga pintuan o di kaya naman ay sa ilang mga “signages” lalo na kung siya ay nasa labas ng kanilang tahanan ngunit mas ipinagpapasalamat pa rin niya na marami siyang mga natututunang aral sa pagiging matangkad niya at kakaiba.




error: Content is protected !!