Aeta nakahanap ng minamahal sa katauhan ng magandang babaeng ito, netizens halo-halo ang mga reaksyon!



Ang mga “Aeta” ang kauna-unahang katutubong nanirahan dito sa Pilipinas. Ilan sa mga natatangi nilang mga katangian ay ang maitim nilang balat, kulot na buhok, pandak na tindig at pangong mga ilong.



Noon at kahit hanggang sa mga panahong ito ay nakakaranas pa rin sila ng panghuhusga mula sa ibang tao dahil na rin sa pagkakaiba ng kanilang panlabas na kaanyuan. Kamakailan lamang ay isang Aeta ang pumukaw sa atensyon ng publiko dahil sa umuusbong nitong pagtingin sa isang dalagang malaki ang pagkakaiba sa kaniya.


Ang kanilang tambalan ay tinagurian pa ngang “MarGel”. Ang binatang Aeta ay kalaunang nakilala bilang si Mariano Sapuno Lingay.

Isa siyang mang-aawit na Aeta na naninirahan sa Marcos Village, Pampanga. Noong nililigawan pa lamang niya si Angel ay marami nang nag-aabang ng kanilang mga video.




Hanggang sa sinagot na nga siya ng dalaga at maging ang kanilang “first kiss” ay ibinahagi din nila sa publiko sa pamamagitan ng isang video. Maraming mga netizens ang natuwa at humanga sa kanilang kakaiba at pambihirang kwento ngunit marami din naman ang nagtatanong patungkol sa totoong nararamdaman ng dalawa para sa isa’t-isa dahil tila ba ginagawa lamang nila ito para makakuha ng maraming “likes” at “views” sa mga manunuod.

Inabangan din ng marami ang kanilang unang halik, marami ang kinilig dahil ayon sa binatang Aeta ay “first time” niya ito. Umani rin ng maraming komento at reaksyon sa publiko ang viral video nilang ito.

Sa kabila ng nakakakilig nilang kwento ay marami pa ding kumukwestiyon sa totoong hangarin o intensyon ni Angel kay Mariano dahil kapansin-pansin din namang mayroon siyang magandang hitsura at tiyak na makakahanap pa siya ng ibang lalaking mas gwapo kay Mariano. Ngunit pinili pa rin niyang makipagrelasyon sa binatang Aeta.

Bagamat wala pang kumpirmasyon at ibang balita patungkol sa kanilang dalawa ay marami pa rin ang umaasang sana ay totoo nga ang kanilang pagmamahalan at hindi pakulo o palabas lamang.




error: Content is protected !!