Carla Abellana ibinunyag ang tunay na dahilan kung bakit siya tumaba!



Si Carla Angeline Reyes Abellana o mas nakilala ng publiko bilang si Carla Abellana ay 34 na taong gulang na aktres at modelo. Mas lalo siyang hinangaan ng maraming Pilipino nang gumanap siya bilang si Rosalinda noong 2009 na mula sa isang sikat na Mexican telenovela.


Maliban sa pagiging isang mahusay na aktres ay talaga namang napakaganda din ni Carla. Hindi na nakapagtatakang mahulog ang loob sa kaniya ng isa ring gwapong aktor at modelo na si Tom Rodriguez na ngayon ay halos anim na taon na niyang karelasyon.




Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang naging pag-amin ng aktres nang tunay na dahilan kung bakit nga ba tila palaging nadadagdagan ang kaniyang timbang. Sa isang “online interview” sa “Just In” ay ibinahagi niya sa publiko ang kalagayan ng kaniyang kalusugan sa ngayon.

Ayon sa pahayag ni Carla, nagsimula sila sa bago nilang proyekto na pinamagatang “Love of My Life” noong Agosto at nang sumunod na buwan ay bigla na lamang niyang napansin na 26 pounds na kaagad ang nadagdagan sa kaniyang timbang sa loob lamang ng apat na buwan. Kahit pa nga naka-dyeta siya sa mga pagkain niya at tatlong beses sa isang linggo siya nag-eehersisyo ay hindi pa rin humihinto ang pagtaas ng kaniyang timbang.


Dahil sa nababahala na rin siya sa hindi maipaliwanag na pagbigat niya at agad na siyang nagpatingin sa doktor. Humingi din siya ng “second opinion” sa isa pang doktor upang masigurado ang tunay na kalagayan ng kaniyang kalusugan.




Dito niya natuklasang mayroon pala siyang komplikasyon sa atay at “hyperthyroidism”. Marami sa kaniyang mga tagahanga ang nag-alala lalo na nang malaman na bukod sa sakit sa atay ay mayroon din siyang “asthma” na kung magpapatingin siya sa doktor ay mas mayroon pang makikitang ibang sakit sa kaniya.



Labis din siyang nahirapan sa pagtayo, at sobrang sumakit ang kaniyang tiyan. Ngunit dahil na rin sa wastong pagkain, gamot at ehersisyo ay unti-unti nang nagiging maayos ang kaniyang kalagayan.

Kahit na bumubuti na ang kaniyang kalagayan ay hindi pa rin siya nagmimintis sa pagkonsulta sa kaniyang doktor.




error: Content is protected !!