Empress Schuck bilang isang napakagandang misis at mommy sa kaniyang pamilya umani ng paghanga sa publiko!



Si Empress Karen Carreon Schuck o mas sumikat sa showbiz bilang si Empress Schuck ay ang 27 taong gulang na aktres, modelo, singer, dancer at businesswoman. Siya ay mayroong dugong German dahil sa kaniyang tatay na si Hans Schuck.


Event singer ang trabaho noon ng kaniyang ama habang ang kaniyang ina naman ay isang Pilipina. Sa murang edad ay sumabak na sa isang shampoo commercial si Empress. Pitong taong gulang lamang siya noon taong 1997.




Ilan sa mga matagumpay niyang proyekto ay ang pagganap niya bilang batang Cassiopeia sa “Etheria”, Ava Avaniko sa “Super Inggo”, Hilary sa “Star Magic Presents: Abt Ur Luv”, Cecilia sa “Your Song Presents: Underage”, Lilet sa “My Special Tatay”. Nagulat ang marami nang mapabalita ang panganganak niya noong taong 2015 sa panganay nila ng kaniyang nobyong si Vino Guingona.


Siya ay apo ng dating bise presidente ng Pilipinas na si Teofisto Guingona Jr. na pamangkin naman ni Senador Teofisto Guingona III. Ang kanilang baby girl ay pinangalanan nilang Athalia.


Bagamat hindi na madalas mapanuod o makita sa telebisyon si Empress ay marami pa rin siyang mga tagahanga at tagasuporta. Marami ang nagulat sa kaniyang naging tagumpay partikular na sa kaniyang negosyo na “King Cups Blends” na magdiriwang na ng unang taong anibersaryo nang pagkakatayo nito kasabay nang pagbubukas ng ikalimang branch nila.




Ang pagkakaiba ng kanilang milk tea business sa ibang mga milk tea shops ay mayroon silang inilalagay na “gold flakes” sa kanilang “milk tea”. Kahit pa nga isa na siyang ganap na ina ay hindi niya pa rin pinapabayaan ang kaniyang sariling pangangatawan.



Talaga namang kapansin-pansin pa rin ang balingkinitan niyang katawan at ang mala-porselanan niyang kutis. Tunay ngang nagniningning din ang kaniyang mga mata at mas lalo pa siyang gumanda sa ngayon, makikita mong punong-puno ng kaligayahan ang kaniyang buhay dahil sa kaniyang anak at partner.




error: Content is protected !!