“Never susuko sa pag-aaral dahil never napagod ang nagpapaaral”, pahayag ng isang graduate!



Edukasyon ang tanging kayamanang maipamamana ng mga magulang sa kanilang mga anak na hinding-hindi kailanman mananakaw ng ibang tao mula sa kanila. Tiyak na makakatulong din ito upang maabot nila ang kanilang mga pangarap sa buhay.



Ngunit nakakalungkot lamang talaga na kinakailangan ding gumastos ng mahal ng maraming mga Pilipino upang makapagtapos ng kanilang pag-aaral. Kung kaya naman marami ding mga magulang ang ginagawang araw ang gabi makapagtrabaho lamang at masuportahan ang pag-aaral ng kanilang mga anak.

Mayroon pa ngang iilan na napagdesisyonan na lamang makipagsapalaran sa ibang bansa at magtrabaho upang kumita ng mas malaki lalo na kung mahal ang kursong kinukuha ang kanilang mga pinag-aaral na anak. Kung kaya naman para sa mga anak ay dapat lamang talagang magpasalamat sila at magbigay-pugay sa kanilang mga magulang.


Tulad na lamang ng isang mag-aaral na ito na nagsilbing inspirasyon para sa maraming mga pamilyang Pilipino dahil sa kaniyang pananaw sa buhay. Ayon kasi sa kasabihang hawak-hawak nito sa kaniyang “graduation picture” ay hinding-hindi siya mapapagod mag-aral dahil sa hindi rin napapagod ang mga taong nagpapaaral sa kaniya.



Ibinahagi ng Facebook page na “Papa” ang kaniyang larawan. Hindi man napangalanan ang naturang graduate ay umantig naman sa publiko ang kaniyang naging pahayag.


Tunay nga na napakasarap marinig mula sa ating mga anak ang mga katagang ito na hindi sila kailanman mapapagod na mag-aral dahil sa hinding-hindi rin naman napagod magpaaral sa kanila ang kanilang mga magulang. Kung sana ay ganito rin ang kaisipan ng maraming mga mag-aaral sa ating bayan ay tiyak na mas marami ang makakapagtapos at magiging matagumpay sa kanilang mga buhay.


Tunay nga na mahirap ang buhay natin sa ngayon lalo na kung hindi naman tayo ipinanganak sa isang marangyang pamilya. Mataas na presyo ng bilihin, matrikula at ibang gastusin samahan pa ng maliit na sweldo ay talaga namang mahihirapan kang paglaan ng sapat na pera ang iba pang mga pangangailangan ng iyong pamilya ngunit hindi hadlang ang kahirapan at ang salapi para hindi masuportahan ng mga magulang ang kanilang mga anak lalo na sa kanilang pag-aaral.




error: Content is protected !!