Naka-quarantine na pamilya nakatanggap ng ayuda galing sa kanilang mababait na kapitbahay!



Halos ilang buwan na rin ang nakararaan mula ng dumating sa ating bansa ang nakakahawang sakit na COVID-19. Talaga namang napakarami ang nangamba para sa kanilang kaligtasan at maging sa kapakanan ng kanilang mga mahal sa buhay.


Marahil ay inakala din ng marami sa atin na hindi maging delikado o masyadong malala ang sakit na ito noon. Ngunit sa ngayon ay talaga namang marami na ng nahahawa, napapahamak, at pumapanaw dahil dito.



Maaaring marami na tayong natutunang leksyon mula nang maranasan natin ang pandemyang ito. Ngunit marami pa rin sa atin ang nangingibabaw ang takot at pangamba sa halip na pagmamahal, pang-unawa at pagtulong sa ating kapwa ang pairalin.

Hindi na lingid sa ating kaalaman ang maraming mga indibidwal na tila ba simple lamang ang ginagawang panghuhusga o kristisismo mula sa mga taong nagpositibo na sa naturang sakit. Tila ba hindi nila alam na mas nakakasakit pa ito sa mga pasyente at lalo sa kanilang pamilya.

Sa halip kasi na suportahan ay kung anong masasakit na mga salita pa ang naririnig nila sa kanilang mga kaibigan o kapitbahay. Ngunit ibang-iba ang naranasan ng isang netizen na nakilala bilang si Sky Gatdula.



Nagpositibo man ang kaniyang biyenan na lalaki sa sakit na COVID-19 at kinailangang maka-quarantine ng buo nilang sambahayan ay wala silang naramdamang pandidiri o kahit ano pa mang panghuhusga mula sa ibang tao lalo na sa kanilang mga kapitbahay. Sa katunayan nga ay mayroon pang dumarating na tulong o ayuda sa kanila na galing mismo sa kanilang mga kapitbahay.



Ang isa pa ngang kapitbahay nila ay nagpaskil sa kanilang tahanan ng mensahe na patuloy silang nananalangin para sa ikabubuti ng buong pamilya nina Sky. Di ba’t napakasarap sa pakiramdam na mayroon pa rin pa lang mga tao na nagbabahagi ng pagmamahal at pang-unawa sa kapwa kaysa panghuhusga at masasakit na mga salita.




error: Content is protected !!