Daniel Padilla aksidenteng nabangga ng isang tricycle ngunit siya pa itong nag-abot ng tulong dito!



Si Daniel John Ford Padilla o mas nakilala ng publiko bilang si Daniel Padilla ay 25 taong gulang na aktor, modelo, mang-aawit at recording artist. Siya ang kauna-unahang Pinoy artist na nagwagi ng “Kids’ Choice Awards” para sa “Global Slime Star”.

Sa halos sampung taon na niya sa industriya ay talaga namang marami na rin ang humanga sa kaniyang husay at galing sa larangan ng pag-arte. Isa rin siyang mahusay na mang-aawit at ang ilan pa nga sa kaniyang mga awitin ay naging patok sa maraming mga Pilipino hanggang sa ngayon.

Isa siya sa pinakagwapong aktor sa industriya ng show business at isa rin sa pinakahinahangaang personalidad dahil sa naging mabuting pagpapalaki sa kaniya ng kaniyang ina na si Karla Estrada. Maaaring magkakaiba sila ng ama ng kaniyang mga kapatid ngunit ang pagmamahalan sa kanilang sambahayan at ang pagtrato nila sa isa’t-isa ay talaga namang nakakamangha.



Hindi na nakapagtatakang muli na naman siyang hinahangaan ng publiko dahil sa kaniyang mabuting kalooban. Kamakailan lamang kasi ay napabalitang nabangga ng isang tricycle driver ang minamaneho nitong 1967 Ford Mustang.


Ngunit hindi tulad ng iba ay hindi man lamang ito nagalit o nainis sa taong aksidenteng nakabangga sa mamahalin niyang sasakyan, sa halip ay nag-abot pa ito ng tulong sa naturang driver. Maraming mga taong nakakita ng naturang aksidente at ang ilan nga ay nakakuha pa ng ilang mga larawan at video.

Bumuhos ang papuri at paghanga ng marami sa aktor na sa kabila ng natamong tagumpay at kayamanan sa buhay ay nananatili pa rin siyang nakatapak sa lupa. Sinong mag-aakala na sa panahon ngayon na nakakaranas ang lahat sa atin ng krisis ay mayroon pa rin palang katulad niya na mayroong busilak na puso upang tumulong sa ibang tao kahit pa nga siya na ang naperwisyo o naabala nito.

Ilang araw na ring trending si Daniel sa iba’t-iba pang social media platform sa bansa at padami pa ng padami ang mga taong humahanga at natutuwa sa kaniya.




error: Content is protected !!