Mga pulis sa CamSur binili lahat ang paninda ng batang nagtitinda sa gilid ng kalsada!



Sa tuwing nakakakita tayo ng mga pulis, marami sa atin ay kinakabahan at natatakot dahil sa maaaring hulihin tayo o bigyan ng ticket dahil sa mali nating nagawa. Ngunit lingid sa ating kaalaman ay nais lamang nilang gawin ang sinumpaan nilang tungkulin na magpanatili ng kaayusan sa ating bayan.



Nais lamang nilang maging ligtas ang mga inosenteng mamamayan mula sa kapahamakan. Isang patunay na marahil ang ginawang pagtulong at pagmamalasakit ng mga nakaunipormeng pulis na ito sa isang batang babae na nagtitinda ng mga gulay sa tabing kalsada.

Pinakyaw kasi ng mga pulis na ito ang tinda ng bata at nagkusang-loob din silang ihatid ang batang ito sa kanilang tahanan upang masiguro ang kaniyang kaligtasan. Ang mga pulis na ito ay taga-Camarines Sur.



Isang netizen na nagngangalang Rolyn Garbo ang nagbahagi ng kwentong ito sa social media. Ayon sa kaniyang viral post, binalik nila ang batang nagtitinda ng gulay sa gilid ng kalsada upang bumili nang kahit papano ay mabawasan na ang kaniyang ititinda sa maghapon.



Ngunit nagulat na lamang sila dahil sa binili na palang lahat ng mga pulis ang tinda ng bata. Halatang “menor de edad” pa ang bata at talaga namang delikado para sa kaniya ang lugar kung saan siya nagtitinda, hindi lamang dahil sa batang babae siya kundi dahil sa magkakalayo din kasi ang mga bahay dito.

Buti na lamang at sumaklolo ang mga pulis na ito upang makauwi nang ligtas ang bata at maubos na rin ang kaniyang mga paninda. Sa panahon ng pandemya, marami sa atin ang nawalan ng trabaho o pagkakakitaan kung kaya naman kaniya kaniya na rin tayo ng diskarte kung paano kikita para sa ating mga mahal sa buhay.

Hindi na rin bago ang mga batang ito na sa murang edad pa lamang ay nagnanais nang makatulong sa kanilang mga magulang. Nakakabilib ang ganitong pagtulong ng ating mga kabataan sa ngayon ngunit hindi rin dapat nila makalimutan ang sarili nilang kaligtasan sa araw-araw.




error: Content is protected !!