Angeline Quinto hindi nahihiyang sabihin na isa siyang certified retokada!



Si Angeline Quinto ay 30 taong gulang na aktres at mang-aawit na sumikat buhat nang manalo siya sa “Star Power: Sharon’s Search For The Next Female Pop Superstar“ noong 2011. Isa rin siya sa miyembro ng girl group na “DIVAS“ kasama sina KZ Tandingan, Yeng Constantino at Kyla.


Isa si Angeline sa mga hinahangaang mang-aawit ngayon sa bansa. Hindi lamang siya mahusay at magaling sa kahit anong awitin dahil talagang bibilib ka rin sa kaniyang pagbirit.


Mahusay siyang singer at talaga namang hindi rin maipagkakaila na may angkin din siyang kagandahan. Ngunit sadyang napakarami pa ring mga tao ang tila hinuhusgahan siya dahil lamang sa pag-amin niya na nakapagparetoke na siya ng kaniyang mukha at ilang bahagi ng kaniyang katawan.

Ilan sa mga pinagawa niya ay “eyelid surgery”, “arm liposuction”, “belly liposuction”, “thermage”, “breast reduction”, at “glutathione injection”. Ibinunyag din naman ni Angeline na hindi niya pinagawa ang kaniyang ilong hindi tulad ng mga kumakalat na balita tungkol dito.


Hindi niya ikinahihiya kailanman ang mga bagay na ipinagawa niya noon upang makamtam ang pangarap niyang hitsura sa ngayon. At isa pa, pinaghirapan niya ang lahat ng mga ginastos niya sa mga pinagawa niyang ito.



Laking pasasalamat din niya kay Dra. Vicki Belo dahil sa pagtulong nito sa kaniya na mas lalo pang gumanda. Dahil sa naging matapang na mga pahayag na ito ni Angeline ay talagang mas marami pa ang humanga at bumilib sa kaniya.



Marami ding mga netizens ang nagkomento na natural lamang sa mga artista ang magpaganda dahil sa ito talaga ang kanilang trabaho. Mas mabuti na rin ito dahil sa gumagawa sila ng paraan upang mas maging maayos at mas maganda ang kanilang mga hitsura lalo na at palagi silang humaharap sa kamera.


Kung kaya naman para sa mga bashers na walang ibang magawa kung hindi ang magkomento ng mga masasakit at hindi magandang pananalita, mas mabuting manahimik na lamang at gumawa rin ng paraan upang mas mapaunlad pa ang inyong mga sarili.




error: Content is protected !!