Mga lolo na edad 70-anyos na pinangmangha ang publiko sa kanilang kakisigan at lakas ng kanilang pangangatawan!



“Age doesn’t matter”, “Age is just a number”, ilan lamang ito sa mga sikat na kasabihan kapag napag-uusapan ang edad. Aminin man natin o hindi, marami sa atin ang natatakot tumanda dahil sa ang mga nakatatanda ay madalas na mahina, maraming bawal na mga pagkain, at sakitin.


Kapag sinabing matanda ay papasok kaagad sa ating isipin ang nakatungkod nating mga lolo at lola na hirap na ring maglakad, maraming puti na mga buhok at mga nakasalamin dahil malabo na ang kanilang mga mata. Ngunit kakaiba ang grupo ng mga kalalakihan o grupo ng mga lolo na ito.




Hindi kasi tulad ng mga nakagisnan nating matatanda ay talagang magugulat ka sa matikas nilang tindig at pangangatawan. Maliit kasi ang mga tiyan ng mga lolo na ito at talagang kapansin-pansin na alagang-alaga ito ng ehersisyo.

Ang mga lolo na ito ay nakatira sa Hangzhou, China. Talaga namang namangha ang publiko dahil sa maganda nilang pangangatawan. Maaaring may edad at matatanda na nga sila pero nagagawa pa rin nilang mag-pull ups sa mga jungle bars sa mga pangpublikong parke sa kanilang lugar.

Sa edad nilang 70-anyos pataas ay maraming tulad nila ang mahina na ang katawan at nakasakay na lamang sa mga wheelchair o di kaya naman ay gumagamit ng mga tungkod. Ayon din sa ilang mga doktor ay hindi na dapat pang nagbubuhat ng mga mabibigat na bagay ang mga matatanda dahil sa maaari silang mapilayan o mabalian ng buto.



Ngunit tila wala ito sa bokabolaryo ng mga lolong ito. Kayang kaya pa nga nilang mag-back flip kung tutuusin!


Sinong magsasabing ang magandang pangangatawan ay para lamang sa mga kabataan? Kitang-kita naman ang ebidensiya na kahit mga matatanda ay magagawa rin ito sa pamamagitan ng wasto at tamang pag-eehersisyo at dyeta.

Hindi na nakapagtataka na mas maraming mga netizens ngayon ang nagkaroon ng inspirasyon na alagaan din ang kanilang sariling kalusugan at pangangatawan. Dahil kahit ang edad natin ngayon ay hindi mo na maaaring gawing dahilan upang magpabaya sa iyong sarili, hindi ba?




error: Content is protected !!