Isang 70-anyos na magsasaka gumamit ng bao bilang mask dahil wala siyang pangbili nito!



Marami sa atin ngayon ang bumibili at minsan pa nga ay namamakyaw ng mga face mask kahit pa doble na ang halaga nito sa mga pamilihan. Ngunit ang matandang lalaki na ito ay gumamit na lamang ng bao ng niyog bilang porteksyon sa nakakatakot na sakit na COVID-19 dahil sa kawalan ng pangbili ng face mask.

Para sa ilang mga netizens, ito ay isang napa-cute na ideya at talagang napakamalikhain ng nakaisip nito. Ngunit para sa matandang lalaki ay wala siyang ibang pagpipilian kung hindi ang magtiis na lamang sa pagsusuot nito dahil sa wala din siyang pera na maaaring ipangbili ng mga face mask na hanggang sa ngayon ay napakamahal pa rin.

Ang naturang matanda ay nakilala bilang si Bapa Lido. Nakapanayam siya ng grupo ng sikat na magazine show na “Kapuso Mo, Jessica Soho” kung saan sinabi niyang batid niya ang hirap ng pagkakaroon ng sakit.



Hindi rin biro ang gastos sa gamot at ospital lalo na sa panahon ngayon ng pandemya. Sa ngayon ay nangingibabaw ang takot sa maraming mga Pilipino at maging nang mga tao sa buong mundo dahil sa hindi imposibleng mahawa ka at tuluyang masawi dahil sa sakit na ito.



Sa ngayon ay mahigpit na ding ipinatutupad ang pagmumulta ng mga Pilipinong hindi magsusuot ng face mask lalo na kung lalabas ng kanilang mga tahanan. Kung kaya naman sinikap ng matandang ito na kahit paano ay makagawa ng paraan upang magkaroon rin siya ng face mask at hindi na magmulta pa.

Narito ang ilan sa mga naging pahayag at reaksyon ng mga netizens patungkol sa viral na kwento ng matanda:

“Mahirap talaga kapag kapos ka. Pero Kudos kay lolo kasi maabilidad at malikhain sya. May God bless his life,” komento ng isang netizen.
“Yan dapat isa sa binibigyan ng pansin at lutasin ng mga mambabatas natin. Pambili nga pagkain mahirap hanapin, pambili ng mask, face shields at barrier pa kaya? Yong mga supplier LNG ng face shields pinapayaman nyo lalo samantalang yong mga mahihirap pinapahirapan nyo lalo,” pahayag pa ng isang netizen.

“Inspiration..kahit napakahirap ng buhay still blessed si Manong imbes mag reklamo he make ways para maka face mask..God bless you always manong…stay strong and safe,” saad pa ng isa.




error: Content is protected !!