Kabit na mayroong kondisyon para sa legal na misis na nanghihiram ng kaniyang mister, tampok sa programa ni Raffy Tulfo!



Lumapit sa sikat na programa ni Raffy Tulfo ang isang dating Overseas Filipino Worker (OFW) at isang misis na si Cristina Laxamana. Ito ay matapos siyang pagbawalan ng kabit ng kaniyang mister na si Jenny Vital na umuwi ang kaniya mismong mister na si Albert Laxamana sa kanilang tahanan.



Ayon sa naging pagkukwento ni Cristina na legal na asawa ni Albert ay nagkaroon ng relasyon ang dalawa nang nagtatrabaho pa siya noon bilang isang OFW sa ibang bansa. Dahil dito ay nagkaroon sila ng limang mga anak.

Naging hindi man maganda ang sitwasyon nila sa ngayon ay pilit pa rin namang iniintindi at inuunawa ni Cristina ang mister dahil sa ayaw din niyang mawalan ng ama ang kanilang mga anak. Kung kaya naman pumayag na rin siya sa hatian nila ni Jenny pagdating sa kaniyang asawa.



Sa umaga kasi ay nasa poder ni Jenny si Albert habang sa gabi naman ay kay Cristina siya uuwi. Talaga namang mahirap ang ganitong sitwasyon nila ngunit kahit papaano ay naging maayos naman ang naging kasunduan nila sa barangay.



Ngunit dahil na rin sa pagbabawal ni Jenny at pagbabanta na wala nang babalikan pang mga anak si Albert ay hindi ito makauwi sa legal na pamilya niya. Naglabas ng sama ng loob si Cristina sa programa ni Raffy ngunit bandang huli ay kay Jenny, sa kabit pa rin niya gustong sumama ni Albert.

Marahil ay natakot ang dalawa sa maaaring maging kalaboso nila kung itutuloy ni Cristina ang pagsasampa ng kaso sa kanilang dalawa kung kaya naman bandang huli ay binawi rin ni Albert ang kaniyang naging desisyon. Pumayag na siyang makasama si Cristina at Jenny sa umaga at sa gabi.

Samantala, umani naman ng napakaraming komento at reaksyon mula sa publiko ang kwentong ito nina Cristina, Albert at Jenny. Para sa nakararami, mas marapat na hindi na ipaglaban pa ng misis ang kaniyang asawa na halata namang wala nang respeto at pagmamahal sa kaniya.

Dahil sa nagawa siyang ipagpalit ng kaniyang asawa sa ibang babae at nagkaanak pa ito ng lima dito!




error: Content is protected !!