Motibo ng anak na kumitil sa buhay ng sarili niyang ina at itinago pa ito sa septic tank, nabulgar na!



Sabi nila hanggang nariyan ang iyong mga magulang ay samantalahin mo na ang pagkakataong makasama, mapasaya at masabing mahal mo sila dahil hindi na sila bumabata pa sa paglipas ng panahon. Kung kaya naman marami sa ating mga anak ang patuloy pa ring sumusuporta sa kanilang mga magulang kahit pa nga mayroon na silang sariling buhay at sariling pamilya.

Ngunit salungat sa ganitong klase ng kwento ang naging masalimuot na karanasan ng isang ina sa kamay ng kaniyang anak na babae at nobyo nito. Natagpuan kasing wala nang buhay at naaagnas na ang katawan ni Maria Evelyn Sayos sa isang septic tank sa kanilang tahanan sa Dasmariñas, Cavite.

Sa loob ng apat na taon ay naniwala ang kaniyang mga mahal sa buhay na siya ay buhay pa at nasa Singapore. Ngunit isang nakakapangilabot na pangyayari na pala ang nangyari sa kaniya.



Nakapanayam ng programang “Imbestigador” si “Michael” na isa pa sa mga anak ni Evelyn. Ayon sa kwento niya ay nais niya sanang ipagawa ang isang bahagi ng kanilang tahanan ngunit sumambulat na lamang sa kanila ang mga dokumento at nabubulok nang bangkay ng kawawang ina.


Ayon pa sa kaniya ay isang araw lamang siya nawala sa kanilang tahanan dahil sa gumawa siya ng thesis. Ang kaniyang kapatid na si Joanna Marie Sayos at kinakasama nitong si Ronald James Ruby ang naiwan kasama ang kanilang ina sa bahay.

Ngunit nang umuwi si Michael ay sinabi na lamang ni Joanna na nagtungo ng Singapore ang kanilang ina. Wala silang kaalam-alam sa tunay na nangyari dahil sa nagawa pa ni Joanna na gamitin ang social media account ng ina upang magpadala ng mensahe sa kanilang pamilya upang hindi ito magduda sa kinaroroonan ng kanilang ina.

Labis na galit ang nararamdaman ni Michael sa kapatid niyang si Joanna dahil sa ang tanging dahilan lamang pala nito at ng kaniyang kinakasama ay ang pangangaral ng kanilang ina sa kanila dahil sa edad na 16-anyos ay nagsama na sina Joanna at Ronald.




error: Content is protected !!