Pambihirang pagmamahal ng ama sa kaniyang anak umantig sa puso ng publiko!



Sa isang pamilya, mayroong isang haligi ng tahanan o ang ama, isang ilaw ng tahanan o ang ina at ang kanilang mga anak. Sadyang napakasarap magkaroon ng isang masaya at kumpletong pamilya.

Ngunit tulad na lamang ng iba pang mga kwento, marami ding pinagdaraanang pagsubok ang isang pamilya. Ang mga magulang o mag-asawa ay kaniya-kaniya rin ng pinagdaraanan sa araw-araw.




Lingid sa ating kaalaman ay ang hirap at pagsasakripisyo ng ating mga magulang para lamang maibigay sa atin ang lahat ng ating pangangailangan. Kamakailan lamang ay naantig ang puso ng publiko dahil sa pambihirang pagmamahal ng isang ama sa kaniyang anak.

Bagamat sa umpisa ng kwentong ito ay inilarawan ang isang ama na ubod ng sinungaling ay mayroon pala itong nakatagong kahulugan. Ayon kasi sa pagkukwento ng anak, dakilang sinungaling ang kaniyang ama dahil sa ayaw nitong ipakita o iparamdam sa kaniyang anak ang kaniyang paghihirap at pagsasakripisyo sa araw-araw.


Matapos kasing ihatid ng ama ang kaniyang anak sa paaralan ay nagtatrabaho pala ito bilang isang “construction worker” na talaga namang isang mabigat na trabaho. Hindi rin kumakain ang ama sa trabaho dahil sa itinatabi na lamang nito ang pagkain na dapat sana ay nagpapalakas sa kaniya upang kalaunan ay ibigay sa kaniyang anak.

Matapos nito ay naglalako pa pala ang ama ng balot at sari-saring paninda upang kumita pa ng kaunting salapi. Damang-dama ng ama ang pagod at hirap ngunit hindi niya ito alintana dahil sa kagustuhan nitong makapag-uwi ng pera para sa kaniyang pamilya at para na rin sa pag-aaral o sa edukasyon ng kaniyang anak.


Ang lahat ng ito ay nakita mismo ng kaniyang anak na walang tigil sa pagpapasalamat sa ama na bagamat nagsinungaling sa kaniya para sa kaniyang kapakanan ay talaga namang mahal na mahal pala talaga siya. Ikaw, kailan ang huling beses na nagpasalamat ka sa iyong ama?




error: Content is protected !!