Pandaliang bakasyon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kinakiligan ng publiko!



Si Kathryn Chandria Manuel Bernardo o mas nakilala ng maraming mga Pilipino bilang si Kathryn Bernardo ay ang 24 na taong gulang na aktres, modelo, endorser at businesswoman. Isa siya sa pinakasikat at pinakahinahangaang aktres ngayon sa industriya ng show business.

Maraming mga tao ang humahanga at nagmamahal sa kaniya hindi lamang dahil sa angkin niyang kagandahan at talento kung hindi dahil sa kaniyang busilak na puso. Hindi na rin nakapagtatakang patuloy na nagiging matatag ang relasyon nila ng kaniyang longtime boyfriend na si Daniel Padilla.

Taong 2012 pa nang ibahagi nila sa publiko ang kanilang relasyon ngunit hanggang sa ngayon ay tila mas nagiging matatag at mas sweet pa sila sa isa’t-isa. Sa katunayan ay marami talaga ang kinilig sa naging pandaliang bakasyon ng dalawa sa Batangas.




Tinampok din ito ni Kathryn sa kaniyang YouTube channel. Marami ang kinilig dahil sa sweetness ng magkasintahan.

Si Daniel ang nagmaneho ng kanilang sasakyan buong biyahe kasama ang alaga nilang aso. Mayroon ding pabaon na mga sandwiches ang ina ni Kathryn sa kanila ni Daniel.

Tunay nga na nakakatuwa at nakakakilig pagmasdan ng magkasintaha na ito. Bago pa man sila magtungo sa isang pribadong resort sa Batangas ang nagtungo muna sila sa isang testing center kung saan sinuri sila kung ligtas sila sa COVID-19, at negatibo naman ang resulta ng ginawang test sa kanila.

Tampok din sa vlog ni Kathryn ang kaniyang pag-eehersisyo, sumali siya sa isang online yoga class. Talaga namang angat na angat din ang magandang hubog ng kaniyang pangangatawan.

Alagang-alaga ng aktres ang kaniyang kalusugan at katawan na isang napakagandang inspirasyon para sa maraming mga kababaihan. Nagkaroon din siya ng isang sh00t para sa ieendorso niyang “clothing line”, muli pinamangha na naman niya ang marami sa angkin niyang kagandahan, kasexyhan at pagiging propesyonal.

Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang buong team sa naging matagumpay nilang sh00t.




error: Content is protected !!