Vice Ganda nag-react sa sirang brief ng nobyong si Ion Perez!



Kamakailan lamang ay labis na kinagiliwan ng publiko ang viral video ni Ion Perez at ni Vice Ganda habang naghohost ng bagong segment nila na “Mas Testing”. Sa naturang segment ay si Vhong Navarro ang kalahok habang sina Ryan Bang at Ion Perez naman ang kaniyang pagpipilian.

Kinailangan nina Ryan at Ion na ipakita ang kanilang pangloob o ang kanilang brief upang malaman kung tama ba ang kasagutan ni Vhong. Dahil old rose ang pangloob ni Ryan, hindi dapat “dark” ang kulay ng pangloob ni Ion.

Ngunit laking gulat ng mga manunuod nang mabunyag ang lihim ni Ion dahil sa sira pala at may butas ang suot suot nitong brief! Hindi naman mapigilan nina Vice, Ryan at Vhong ang matawa sa nangyari.
Ayon naman kay Ion, hindi niya lubos akalain na kakailanganin niya palang ipakita ang kaniyang pangloob na suot habang naghohost ng kanilang programa. Dagdag pa ni Ion, mayroon naman tayong kaniya-kaniyang paborito lalo na sa damit at para sa kaniya ito ang paborito niyang suotin.




Komportable din siyang suotin ito kahit pa nga sira na ang kaniyang brief.

“Hindi ko naman alam na ganito, sana nagpalit ako! Diba, minsan may kanya-kanya tayong paborito? Paborito ko ito. Hindi ko naman alam na may ganito,“ pahayag ni Ion.

Ang kasintahan naman ni Ion na si Vice ay halatang nagulat sa rebelasyong ito ni Ion. Tawang-tawa si Vice sa kaniyang nobyo na talagang namang ikinagulat din ang nangyari.

Maraming mga netizens din ang nagpahayag ng kanilang pagkabigla sa pangyayaring ito. Mayroon din namang iilan sa kanila ang talagang naka-relate dahil sa karamihan naman talaga sa atin at mayroon komportableng damit o pangloob na paborito natin.

Hindi na nakapagtatakang kahit ang mga sikat nang artista at personalidad tulad ni Ion ay mayroon pa ring mga paboritong kasuotan. Marahil para sa iilan sa atin ay mahalaga ang pagkakaroon ng maganda at perpektong imahe lalo na para sa mga sikat na personalidad sa show business ngunit para kay Ion ay masaya pa rin siyang maging totoo sa kaniyang sarili sa kabila ng tagumpay na kaniyang tinatamasa sa ngayon.




error: Content is protected !!