Bilyonaryang Thai transwoman nag-post ng “intimate pictures” nila ng modelong si Clint Bondad!



Ilang buwan pa lamang ang nakalilipas nang maging usap-usapan sa social media ang mga nakaka-intrigang komento at pahayag ng modelo at aktor na si Clint Bondad na tila ba patungkol sa magkasintahang sina Sam Milby at Miss Universe 2018 Catriona Gray na dating nobya ni Clint. Hindi magkamayaw ang mga netizens dahil sa matatapang at nakakakilabot na mga salitang pinost ni Clint sa social media.


Bagamat nanatiling tahimik at pribado sina Sam at Catriona, wala namang tigil ang mga puna at panghuhusga ng publiko. Makalipas lamang ang ilan pang mga linggo ay muli na namang naging usap-usapan ang pangalan ni Clint dahil sa mga “intimate pictures” nito kasama ang bilyonaryang Thai transwoman na si Jakkaphong “Anne” Jakrajutatip.


Siya ang chief executive officer ng JKN Global Media Public Company Limited na isang global content provider at channel operator ng maraming mga programa sa telebisyon at pelikula. Siya ang distributor sa Thailand ng ilang mga programa ng ABS-CBN at GMA network.


Ilan sa mga intimate pictures ni Anne kasama si Clint ay kuha habang magkasama silang dalawa sa isang bathtub at isa pang larawan habang sila ay nakahiga sa isang kama. Bagamat ang madalas na tawag ni Anne kay Clint ay “biz partner” marami pa ring mga netizens ang hindi mapigilang maintriga sa tunay nilang ugnayan dahil sa ayon sa ilang mga ulat ay nakatira si Clint sa poder ni Anne.



Paglilinaw naman ng huli ay nakatira si Clint sa isa sa walong bahay niya sa Thailand. Hindi na rin daw iba ang turing niya kay Clint dahil sa parang kapatid na rin niya ito.



Pinabulaanan din naman ni Anne ang mga tsismis na diumano ay binabayaran niya si Clint para sa kanilang “ugnayan”. Ayon sa kaniya, maliban sa tinuturing niya itong kapatid ay talent rin ito ng kaniyang kompanya kung kaya naman tinatrato niya ito bilang isang bisita.

Malaki rin ang pagtitiwala ni Anne sa kaniya dahil sa kaniyang potensiyal at sa mga magagandang plano nito sa buhay.




error: Content is protected !!