Isang nars tinulungan ang isang babaeng manganganak na sa kalye!



Marami sa mga kabataan ngayon ang nangangarap na maging isang mahusay na propesyonal sa kanilang paglaki. Mayroong ilan na nais maging isang abogado, guro, doktor, pulis, sundalo, nars, at marami pang iba.

Ngunit tulad nga ng sinasabi ng mga matatanda, ang ganitong klase ng pangarap ay mayroon ding kaakibat na mabigat na responsibilidad. Mayroon silang mga sinumpaang tungkulin na ano man ang mangyari ay patuloy nilang gagawin.

Ito nga ang isa sa mga dahilan ng nars na ito kung kaya naman hindi na siya nagdalawang-isip pang tumulong sa ginang na inabutan na ng panganganak sa kalsada. Siya ay nakilala ng marami bilang si Lorraine Pingol.


Isang “street dweller” ang tinulungan niyang makapanganak sa Osmeña Avenue sa Brgy. Bangkal sa siyudad ng Makati. Ayon sa kaniyang kwento ay late na siya sa kaniyang trabaho ng mga sandaling iyon ngunit walang ibang taong naroroon upang tulungan ang babaeng manganganak.



At dahil sa isa naman siyang nars at mayroon silang sinumpaang tungkulin ay agad itong tumulong sa naturang insidente. Inamin din niyang nasa “remission” na siya ngayon ng sakit niyang Leukemia kung kaya hindi pa siya makapagtrabaho sa ospital.


Napakaraming mga netizens ang talagang humanga at bumilib kay Lorraine. Tunay nga na ginagampanan niya ang sinumpaan niyang tungkulin.


Isa siyang napakagandang inspirasyon sa maraming mga Pilipino lalo na sa mga kabataan ngayon. Hindi lahat ng tay ay nanaising tumulong sa ibang taong nangangailangan lalo na sa panahon natin ngayon at sa sitwasyong kinakaharap natin dahil sa pandemya.

Ngunit sa kabila nito ay hindi naging hadlang ang kaniyang naging sakit, ang kalagayan ng ginang o maging ang lugar na panganganak nito para hindi gawin ni Lorraine ang kaniyang tungkulin sa kaniyang kapwa.

Napakagandang mensahe para sa atin na huwag tayong magsawang tumulong sa ibang tao lalong lalo na sa mga taong labis na nangangailangan dahil sa wala man silang maibayad o maisukli sa iyong ginawa, tiyak na ang Diyos mismo ang magbibigay sa iyo ng mga biyaya at pagpapalang walang sapat silid na kalalagyan.




error: Content is protected !!