Isang pintor binayaran ng kaniyang kliyente ng P15,000 para sa isang nakakamanghang obra ng kanilang “family picture”



Sa panahon natin ngayon tila ba hindi na nabibigyan pa ng halaga ang mga pambihirang talento tulad na lamang ng pagpipinta at iba pang may kaugnay sa Sining. Noon pa man ay ipinagmamalaki na natin ang pambihirang talento ng maraming mga Pilipino sa Sining.


At sa kabila ng modernisasyon at makabagong teknolohiya ay talaga namang nakamamangha pa rin ang mga taong pinagpala ng talentong ito. Isa na marahil si Danilo Parpan Quizon Jr. sa mga taong lubos na pinagpala dahil sa pagkakaroon ng pambihirang talento pagdating sa pagpipinta.

Kamakailan lamang ay labis na namangha ang publiko sa kaniyang obra maestra dahil sa nakapagpinta siya ng isang napakagandang “family picture”. Ang kaniyang galanteng kliyente ay binigyan siya ng P15,000 bilang kabayaran.

Ang tanging hiling lang ng kaniyang kliyente ay magawa niyang pormal ang “family picture” na kaniyang ninanais. At hindi nga siya nagkamali dahil talaga namang napakaganda ng kinalabasan ng larawan kahit pa sa kaniyang pinagbasehan na larawan ay hindi talaga pormal ang postura ng miyembro ng pamilya maging ang kanilang kasuotan ay hindi rin pormal.

Talaga namang nakakamangha ang talentong ito ni Danilo ngunit nakakabilib din naman ang napakagandang offer sa kaniya ng kaniyang kliyente. Maraming mga netizens din naman ang nagpahayag ng kanilang mga komento patungkol sa pangyayaring ito. Narito ang ilan sa kanilang mga naging reaksyon.



“All artist deserves to be treated right by their clients. Hopefully, every artist will find this kind of client,” komento ng isang netizen.


“Sulit na sulit din 15k ni Kuya galing mo po lods. Saludo din kay kuya di buraot or low baller nakakagana din mag drawing yun,” pahayag pa ng isang netizen.

Tunay nga na mahalaga para sa marami sa atin ang ating mahal na pamilya. Hindi mapapantayan ng anumang materyal na bagay ang kaligayahang mararamdaman natin makita lamang na sama-sama at masaya ang ating pamilya kahit pa sabihin sa kapirasong larawan lamang ito.




error: Content is protected !!