Isang pintor na gumagamit ng kape sa kaniyang mga nakakabilib na obra, pumukaw sa atensyon ng publiko!



Maraming mga Pilipino ang hindi makokumpleto ang araw kung walang kape. Tunay nga na pagmulat pa lamang ng ating mga mata sa umaga, bago pa man gumawa ng kahit anong bagay hinding-hindi natin malilimutan ang magtimpla at uminom ng ating kape.

Ngunit maliban sa pag-inom ng kape sa umaga, maaari na rin pala itong gamitin sa pagpipinta. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang mahusay at kamangha-manghang talento ng isang pintor na ito na gumamit ng kape para sa kaniyang mga makahulugang likha.

Siya ay walang iba kung hindi si Emmanuel Hernandez. Ilan sa mga nakakabilib niyang obra maestra ay sina Sen. Manny Pacquiao, Ely Buendia, Lea Salonga, at Dr. Jose Rizal.



Ilan lamang sila sa mga Pilipinong nagbigay karangalan sa ating lahi noon hanggang sa ngayon. Bilang isang alagad ng sining ay nagpipinta rin siya patungkol sa mga kinakaharap nating pagsubok ngayon sa bansa.
Isa na nga rito ang paglaban natin sa pandemyang COVID-19. Ang kaniyang likha na mayroong titulong “Pasan Ko Ang Daigdig: Plight of the medical frontliners” ay talaga namang sumasalamin sa ating mga magigiting na Pilipinong doktor, nars at healthcare workers.


Iniaalay din niya ito sa kaniyang kapatid na medical frontliner sa “Middle East”. Isa pa sa kaniyang mga likha ay ang larawan ng aktres na si Angel Locsin, real-life Darna kung tawagin ng maraming mga Pilipino.

Pinamagatan niyang “Anghel sa Lupa” ang kaniyang napakagandang likha.

“She is just a great example of a true Filipino which I can be proud of,” pahayag ni Emmanuel.

Gayundin naman ay nagpinta rin siya para sa mga taong kabilang sa “Media & Entertainment Industry” na talagang hirap na hirap din sa ngayon. Tinawag niya itong “Going Out Of Business.”


“I dedicate this artwork to everyone specially those who are in the Media & Entertainment Industry who have been struggling to make both ends meet. kaya natin ito! We’re in this together,” komento pa ni Emmanuel.




error: Content is protected !!