Kambal na magkapatid nakapangasawa ng kambal at sa ngayon ay buntis ng kambal din!



Marami sa atin ang nangangarap magkaroon ng anak na kambal. Kambal na babae, kambal na lalake o kahit tig-isang babae at lalaki lang.


Tila ba napakasaya sa isang pamilya magkaroon ng dalawang supling kaagad. Para sa mga pamilyang pinalad na magkaroon ng kambal sa kanilang pamilya, mas nadadagdagan ang kanilang saya sa kanilang sambahayan.



Ngunit hindi rin naman mawawala ang tampuhan. Marahil ang isa sa magiging malaking problema ng kambal na magkapatid ay ang pagkakagusto nila sa iisang lalaki lamang o iisang babae.

Ngunit para sa magkakambal na ito, hindi ito naging malaking suliranin sa kanila, dahil sa kambal din kasi ang kanilang mga mister. Aakalain mo bang kambal din ang anak ng kambal na magkaparehang ito?


Agosto 2018 pa nang ikinasal ang kambal na sina Brittany at Briana Deane 33 taong gulang sa kambal ding si Josh at Jeremy Salyers 35 taong gulang. “Double wedding” kung tawagin ng marami ang kanilang naging pag-iisang dibdib.



Naging praktikal sila sa dinaos nilang kasalan ngunit maraming mga tao ang nagtaas ng kilay ng sa iisang bubong lamang sila tumira. Ilan sa mga taong ito ay nagsasabing hindi magandang sa iisang bahay lamang nakatira ang dalawang mag-asawang ito.


Ngunit hindi ito alintana ng dalawang mag-asawa dahil para sa kanila ay wala naman silang ginagawang masama na dapat nilang ikahiya. Makalipas ang ilang taon ay sinorpresa nilang muli ang marami nang ibalita nilang buntis sila at parehong kambal ang kanilang magiging mga anak.


Nais nilang maisilang ang mga anak nila sa parehong araw at palalakihin nila sila na tila ba tunay na magkakapatid sa halip na magpipinsan lamang. Talaga namang marami ang namangha at labis na nasorpresa sa anunsiyo ng magkakakambal ngunit mas marami ang nagalak at nasabik na makita ang kanilang apat na anak sa mga darating pang panahon.

Hindi sila ordinaryong pamilya ngunit espesyal sila at talagang kahanga-hanga.




error: Content is protected !!