Kiray Celis naghanda ng napakagandang sorpresa para sa kaarawan ng kaniyang nobyo na talagang kinakiligan ng publiko!



Si Johanna Ismael Celis o mas nakilala ng publiko bilang si Kiray Celis ay 25 taong gulang na aktres, komedyante at negosyante. Siya ang founder ng “Chicks and Fins”.



Sa edad na apat na taong gulang noon ay talaga namang sumabak na siya sa ilang mga contest tulad na lamang ng “Munting Miss U” ng MTB. Ito ang nagbigay daan sa kaniya upang maging isa sa pinakabatang cast ng naturang noontime show.

Ang kauna-unahang pelikula niya noon ay ang “Pera o Bayong (not da TV)” kung saan kasama din ang buong cast ng naturang programa. Taong 2005 naman ay napili siya bilang isa sa miyembro ng “Goin’ Bulilit” na ipinapalabas tuwing Linggo.


Apat na taon din siyang tumagal sa naturang programa hanggang sa kinailangan na niyang lisanin ang isa sa mga proyekto naging dahilan upang hangaan siya ng mas maraming mga tao. Sa murang edad ay talaga namang may angkin na siyang talento at kakaibang karisma.



Maaaring hindi siya kasing ganda ng mga kilala nating aktres ngunit talagang mamahalin at hahangaan mo din siya dahil sa kaniyang karakter at mga talento. Tulad ng maraming mga kababaihan ay nakaranas din siya ng pangungutya mula sa ibang tao, ngunit hindi niya ito minasama o binigyan ng iba pang kahulugan.


Bagkus ay mas minamahal niya ang kaniyang sarili at ang kaniyang pangangatawan. Naging dahilan din ito upang mas mahalin siya ng mga taong nakapaligid sa kaniya at lalong lalo na ng kaniyang mga tagahanga.

Ilang buwan pa lamang ang nakararaan ay pinakilala niya sa publiko ang kaniyang nobyo. Talaga namang marami ang naiinggit sa kaniya dahil sa halatang-halata naman kung gaano siya kamahal ng kaniyang kasintahan na si Stephan Estopia.

Dahil sa tapat at wagas na pagmamahal nito sa aktres ay nakatanggap ito ng napakagandang sorpresa mula sa nobya. Ilan sa mga regalong binigay ni Kiray para sa kaarawan ng kaniyang nobyo ay isang gintong kwintas, Nintendo switch lite, isang pares ng mamahaling sapatos, teddy bear, mga tsokolate at mga bulaklak.

Mayroon ding sweet na sweet na mensahe si Kiray para kay Stephan. Ayon sa kaniya ay napakaswerte niyang makilala ang kaniyang nobyo dahil sa hindi ito babaero.

Ang mga materyal na bagay na kaniyang iniregalo ay kulang pa sa wagas niyang pagmamahal, pagsuporta at pang-unawa sa dalaga. Pinayuhan din ni Kiray ang mga kababaihan na piliin ang taong mamahalin hindi lamang sila bilang kanilang nobya o kasintahan bagkus ay kaya ding mahalin at irespeto ang kanilang pamilya.




error: Content is protected !!