Cake na Pinoy-style gawa sa lumpiang shanghai at pansit bihon, nagpabilib sa publiko!



Sa panahon natin ngayon tunay nga na wala na yatang bagay ang hindi natin kayang gawing posible lalo na kung talagang gusto natin ang ating ginagawa. Kamakailan lamang maraming mga netizens ang nasorpresa nang makita ang ginawang cake na ito ng isang netizen na tila ba tatak Pinoy talaga.


Kung cake ang pag-uusapan, madalas na pumapasok sa ating isipan ang makukulay, matatamis na icing at magagandang dekorasyon. Ngunit hindi rin natin maipagkakailang mahal din ang pagbili ng cake lalo na sa mga taong sakto lamang ang budget sa paghahanda sa isang selebrasyon.

Ang naturang cake kasi na nag-viral sa social media ay gawa sa pansit bihon at lumpiang shanghai. Talaga namang nakakagutom hindi ba? Ilan lamang ito sa pinakapatok na pagkain lalo na sa mga handaang Pinoy.

Sinong mag-aakala na magkakaroon pala ng cake version ang mga popular na pagkaing ito? Ang larawan nito ay ibinahagi sa Facebook Page na Filipino Cooking group ng netizen na si Maru Jane Quiniones.
“Filipino cake” kung tawagin nila ang cake na ito na para sa kaarawan ng kaniyang kapatid. Hugis cake talaga ang kombinasyon ng pansit at lumpiang shanghai na ito.

Mayroon pang kalamansi, dekorasyon na “Happy Birthday”, at dalawang hugis bituin na kandila sa patok na birthday cake na ito. Nakakabilib ang ideyang ito ngunit mas nakakabilib kung paano mga ba ito nagawa.



Ang sikreto pala ay nilagyan nila ito ng kanin sa ilalim upang kumapit ang pansit na nasa gitna at nilagyan din nila ng tali ang mga lumpia sa gilid upang hindi ito masira. Hindi lamang espesyal at kakaiba ang birthday cake na ito ngunit talaga namang praktikal din.


Hindi mo na kakailanganin pang bumili ng mahal na cake dahil sa mayroon ka nang cake, pansit, at lumpiang shanghai, “all-in-one”! Napakahusay talaga ng Pinoy, hindi ba?

Ikaw gusto mo rin ba ng ganitong cake sa iyong kaarawan?




error: Content is protected !!