Fitness trainers noon, Durian vendors na ngayon!



Sa mga pagsubok at mahirap na sitwasyon kinaharap natin nang lumipas na mga buwan, mapalad pa rin ang ilan sa atin dahil sa mayroon pa rin tayong mga trabaho at pinagkakakitaan ngunit nakakapanlumo ding isipin na mayroon mga taong labis na naapektuhan ng pagbagsak ng ating ekonomiya dahil sa pandemya. Hindi na kinaya pa ng ilang mga kompanya, negosyo at establiyemento ang pagkalugi na dulot nito kung kaya naman marami sa kanila ang napipilitan na lamang magsara.



Mayroong ilan na pangsamantala lamang ngunit karamihan ay permanenteng pagsasara na. Sa kabila ng napakahirap na sitwasyong ito, mayroong nakakahawang sakit hindi lamang sa Pilipinas kundi sa maraming mga bansa pa sa buong mundo, maraming nawalan ng trabaho at marami pa ding isyung sa pulitika at maging sa ating kalikasan, patuloy pa rin tayong kumakapit at naniniwalang darating din ang araw na tayo ay makakabangong muli.


Kamakailan lamang ay umani ng paghanga at papuri mula sa publiko ang mga fitness trainers na ito sa Thailand. Kahit kasi nagsara na ang kanilang gym ay nakagawa pa rin sila ng paraan upang kumita at makapagtrabaho.


Sa ngayon ay nagtitinda sila ng mga durian. At aakalain mo bang sold out palagi ang kanilang paninda?



Ang Bsamfruit Durian Delivery sa Chiang Mai, Thailand ay patok na patok ngayon sa kanilang mga customers dahil sa mga mga fitness trainers mismo ng nagsarang gym sa kanilang lugar ang mga vendor nila. Dahil sa naging patok ito sa publiko ay nagkaroon na rin sila ng Durian cafe na mga fitness trainers din ang namamahala.



Talaga namang swak na swak ang business strategy na naisip ng may-ari ng durian shop na ito. Ikaw, gugustuhin mo din bang bumili o magpadeliver ng Durian sa kanila balang araw?

O di kaya naman at y magtungo sa kanilang sikat na Cafe na puro fit, macho, at sexy na mga trainers ang iyong masisilayan?




error: Content is protected !!