Santino, ipinakilala sa publiko ang kaniyang napakagandang nobya!



Marahil isa sa mga programa sa telebisyon na talagang tumatak sa maraming mga Pilipino ang TV series na “May Bukas Pa”. Tungkol kasi ito sa isang batang lalaki na nakakausap ang Diyos, “Bro” ang tawag ng batang ito sa Kaniya.


Talaga namang maraming mga buhay na nabago ang batang si Santino. Marami sa atin ang natuto ng mga mabubuting asal dahil sa kaniya.

Maging sa ating mga anak ay madalas din natin itong ipinapanuod upang mapulot din nila ang mga aral na ipinapalabas dito. Mayroon pa ngang ilan sa atin ang ipinangalan ang kanilang mga anak kay Santino dahil sa napakagandang ehemplo niya sa maraming mga kabataan noon.

Sa paglipas ng panahon ay marami pa ring nakakaalala kay Santino. Nasaan na nga kaya siya ngayon at ano ang kaniyang mga pinagkakaabalahan?



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media si Santino o si Zaijian Jaranilla sa tunay na buhay. Siya ay 19 na taong gulang na.



Marami ang nagulat nang makita ang kaniyang larawan kung saan kapansin-pansin ang kaniyang kakisigan at makikita pa nga ang kaniyang abs. Ngunit maliban pa rito ay marami din ang nasorpresa nang ipakilala niya sa publiko ang napakaganda niyang nobya.


Palaging nagbabahagi si Zaijian sa social media ng mga larawan nila ng non-showbiz girlfriend niya. Naibahagi din naman niya sa naging panayam sa kaniya sa programang Tonight With Boy Abunda na masayang masaya siya sa buhay pag-ibig niya sa ngayon kapiling ang kaniyang kasintahan.

Nagbahagi din si Zaijian ng isang napakasweet na mensahe sa kaniyang nobya nang magdiwang sila ng kanilang anibersaryo bilang magkasintahan. Talaga namang maraming mga netizens ang napa-sana all dahil sa bagay na bagay talaga silang dalawa para sa isa’t-isa.

Sadyang napakabilis ng takbo ng panahon. Sinong mag-aakalang binata na ngayon ang isa sa pinakamahusay na child actor sa industriya ng show business sa bansa.




error: Content is protected !!